33

2.4K 79 7
                                    

Ask for the moon 33

Umayos ako ng pagkakaupo habang ang mga mata nila ay sinusuri ako. Bumuntong hininga ako dahil alam kong ano ang iniisip nila.

Napapagitnaan namin ni Mama si Papa at nasa tapat ko ay si Samuel at napapagitnaan naman nilang dalawa ni Ate si Sophie. Mukha talaga silang pamilya.

"Pwede ba? Kumain na lang tayo? Family dinner 'to at ayaw kong ganito na titig na titig lang kayo sa'kin," Iritadong sambit ko.

Tumikhim sila at umiling-iling.

Pagkadating na pagkadating ba naman kasi namin dito ay nagsumbong na Samuel kay Ate na nakita niya nga daw si Cyrus sa school kaya ngayon tinitingnan nila kung ano ang reaksyon ko.

Aaminin ko na sa ilang taon na lumipas ay siya pa rin kaso hindi na pala ako. 

"Anak ba talaga niya 'yon? Baka naman nagjumped ka na naman sa conclusion? Ayan ang hirap sa'yo. Baka nga siya na ngayon ang namamatay kakaisip kasi tinawag ka ni Sophie ng Mommy at baka napagkamalan pa nila na si Samuel ang nakatuluyan mo," sabi ni Ate.

Na para bang hindi niya asawa si Samuel. Well, Maybe she really trust me and Samuel na kahit gaano kami kaclosed ay hindi namin siya lolokohin.

Naalala ko lang nung ilang araw palang ako na nagtuturo at pinapasundo pa talaga ako ni Ate kay Samuel. Ang akala ng iba ay boyfriend ko si Samuel, Like duh? Seriously? 

"Yuck," sabay na sabi namin ni Samuel.

Tiningnan ko siya ng nakakadiring tingin. Nagkunwari pa siyang parang nasusuka kaya umirap ako. 

Bumaling ako kay Ate na natawa sa inasta namin ng asawa niya. 

"Mama,  I want some icecream,"  Busangot ang mukhang saad ni Sophie.

Inirapan siya ni Ate kaya dali-dali siyang hinampas ni Mama sa braso.

"Pati anak mo pinapakitaan mo ng gan'yang pag-irap baka magaya 'yan sa'yo na puro pagtataray!" Bulyaw sa kaniya ni Mama.

Napasapo naman si Papa sa kaniyang noo. May napapabaling ang tingin sa gawi namin dahil sa pagsigaw ni Mama kay Ate.

"Ice cream naman kasi agad Sophie? Kumain ka muna ng bato," Hinampas ulit siya ni Mama. " I mean ng kanin. Kumain ka muna ng kanin bago ka mag- ice cream," 

Tumayo si Sophie at nagpunta sa gilid ko. Ngumuso siya at nagpuppu eyes habang pinaglalapat ang dalawang palad.

"Please, Mommy Tita," malambing niya sabi.

Nagcrossed arm ako at tinaasan siya ng kilay. Nagpuppy eyes na naman siya na para bang manghihina siya kapag hindi ko pinayagan na bumili ng ice cream. Napatingin ako kay Mama at Ate na nakakunot ang noo na nakatingin sa'kin.

"One serve lang," nakangiting sabi ko.

Umiling si Ate "No," bumaling siya kay Sophie. "Eat first, Sophie." Maawtoridad na sabi ni Ate.

Bumuntong hininga ako "Sige na, Sophie." ngumiti ako. "Pipila na si Tita d'on," Turo ko sa lane ng ice cream orders. "So kumain ka muna para pagbalik pwede mo na kainin 'yung dala kong ice cream, Okay?"

Sophie nodded "Got it!" Sabay takbo niya sa tabi ni Ate.

"Pila lang ako," Paalam ko.

Hindi nila ako pinansin na para bang alam na nila na gan'to ang gagawin ko. Nagpatuloy sila sa pagkain. Si Mama at Papa abala sa papipicture ng pagkain. Samantalang si Samuel ay hinihimas ang buhok ni Sophie. Si Ate naman ay abala sa tikim ng halos lahat ng order.  

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Where stories live. Discover now