11

3K 89 7
                                    

Ask for the moon 11

Inis akong bumangon mula sa pagkakahiga dahil sa sobrang sakit ng ulo kaya ayaw kong nag-iinom,e. Npakapirwisyo t'wing umaga!

Unknown Number:

Good morning.

Unknown Number:

Drink more water.

Unknown Number:

What time ang shift mo bukas? Day-off mo ngayon diba? So, Stay at home and take a rest, Huh?

Unknown Number:

Baby...

Unknown Number:

Text me back if you're already awake.

Umiling-iling na lang ako ng mapagtanto kung sino 'yon at iniwan ang cellphone sa kama.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba talaga siya? Gustuhin ko man na maniwala sa mga pinagsasabi niya ay hindi ko ginawa dahil alam kong may mas mahal pa s'yang iba. Kung totoo man na sa unang pagkikita naming ay naagaw ko ang atens'yon niya, pwes, hanggang d'on lang ako hanggang sa pag-agaw lang ng atens'yon niya.

"Aalis ako, Pupunta muna ako sa bahay namin pinapapabisita ako ni Mama. Masyadong malayo dito kaya baka gabihin ako," Paalam ni Mawi ng maibaba ang ininom na tubig. "

Tumango ako " Asaan si Angel?" Tanong ko at nilibot ang paningin.

"Namili ng groceries ayaw na niyang gisingin ka kasi kaya na naman daw n'ya. Kakaalis niya lang." Walang ganang sagot niya.

"Sige, mag-ingat ka," paalala ko bago umupo sa sofa.

Umirap siya " As if naman hindi," Mataray niyang sagot at kinuha na ang sling bag na nakapatong sa sofa.

Minsan hindi ko alam kung attitude ba 'tong babae na 'to or what minsan naman ang ingay-ingay minsan ang taray taray. Red days?

"Okay," malumanay kong sagot.

Napahawak na naman ako sa'king sentido na biglang tumibok. May maliit bang puso dito or what? Ramdam na ramdam ko kasi!

"Sige, alis na'ko! Ilock mo 'yung pinto pagnakaalis na'ko,"

Tumango-tango lang ako, walang gana akong nakasalampak dito sa sofa kaya umirap na naman siya bago tuluyan na lumabas.

Tinaas ko ang tingin sa kulay puting kisame.

I took a deep breath.

Mga ilang minutong nakatulala ay bumangon ako para makainom ng malamig na tubig.

"Saglit!" Iritadong sigaw ko ng makarinig ng sunod-sunod na katok sa pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" Iritadong tanong ko.

"Gising ka na pala bakit hindi ka nagrereply?" Tanong niya.

I chuckled " Hoy, kung makatanong ka ng genyan parang may relasyon tayo ha? Pwede ba stop acting like my boyfriend," Inis kong sinabi.

Para namang sampal ang mga salitang sinabi ko sa kaniya.

I sighed.

He sighed.

Isasara ko na sana ang pinto pero agd n'ya namang pinigilan.

"Then pwede bang manligaw?" Daretso ang tingin sa'king tanong niya.

Yes!

Umiling ako " No," walang emosyon kong sagot.

"Why?" He pouted.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon