22

2.6K 73 4
                                    

Ask for the moon 22

"Eto?" Angat ko sa kulay pink na dress "Eto?" Angat ko naman sa kulay puting dress.

Halos hindi na ako mapakali sa paghahanap ng susuotin dahil sa sobrang kaba. Paano kung sa unang meet namin nila Tita at Tito ay mabait sila sa'kin? I mean alam ko naman na mabait sila kasi the way na pakikitungo nila rin sa iba. Inaalala ko lang kung magulat sila na Girlfriend na ako ng anak nila!

"Mas bet ko 'yung white parang pormal lang pero may dating," Sambit ni Mawi.

Nakaindian seat siya ngayon sa kama niya at tinitingnan akong magkandaugaga.

Tumango-tango ako at ngumiti "Sige!" Masiglang saad ko bago tuluyan na tumakbo sa pababa sa c.r.

Kakatapos lang ng last exam namin at ang bungad sa'kin ni Cyrus ay 'tong meet the parents na! To be honest mas kinabahan pa ako dito kaysa sa exam naming kanina!Kasi naman diba bakit hindi na niya lang sabihin na dumating na pala ang parents niya! Para naman hindi ako nagkandaugaga!

Damn it, Cyrus!

"Bagay ba?" Bungad ko kay Angel ng makasalubong ko siya.

Hinawakan ko pa ang tela ng dress na suot-suot ko at bahagyang umikot.

She chuckled "Oo," Tipid niyang sagot bago ako lampasan.

Kakagising lang kasi ng loka! Wow, sana all nakakatulog ng tanghali!

Umirap na lang ako kaya napatingin ako sa wall clock mag-aalas singko pa lang at ang usapan namin ay bago mag-alas sais.

Kaya wala na akong pag-aalinlangan na bumalik sa kwarto. Naiinis talaga ako! Wala na rin kaya akong bagong face powder at iba pa! Nakakainis! Sana kung alam ko lang talaga!

Naglagay ako ng kaunting makeup sa mukha at inistraight ko na lang ang mahaba kong buhok. Ramdam ko pa nga ang pangangatog ng kamay ko dahil sa kaba. Kaya minsan ay napapaso pa ang tainga ko.

"Hoy! Girl, Nasa labas na pala si Fafa mo Cyrus hindi mo man lang ba papasukin?" Ani angel.

Masama ko siyang tiningnan.

"Bakit hindi mo pa papasukin?" Inis kong tanong.

She rolled her eyes "Akala ko alam mo na at ayaw mo papasukin,"

"Duh," Irap ko at nagpatuloy na sa pag-aayos.

"Papasukin ko na ha" Ulit niya.

"Oo nga, thanks," sagot ko.

Nagpatuloy muli ako sa pag-aayos. Napapatingin pa ako kay Mawi na abala na ngayon sa kakacellphone. Ang sabi niya rin na nakikipagbalikan 'yung ex niyang Mark sa kaniya. Nagtanong pa nga ang loka kung sasagutin niya ba? As if naman kami ang nakakaramdam ng feelings niya. Kaya ang sinabi ko na lang na kung ano ang gusto niya edi ayon! Nandito lang naman kasi always for her.

"Selene" Malambing na boses na tawag sa'kin.

Napalingon ako sa pintuan at tumambad ang lalaki na ubod ng gwapo.

He just wearing a grey chinos that made his long legs compensate and White Shirt that was why the beautiful curved of his chest and masculine arm was seen. I examined him overall and also found that he also wearing Burgandy Brown Double Monk Shoes. He really distinguished by his great and manly charisma. Huh?

"Selene" Ulit niya.

Pinadausdos niya saglit ang daliri sa kaniyang buhok bago nakangiting naglakad palapit sa'kin. Inayos ko ang mga gamit at nagsimula ng itago dahil mukhang ayos na naman.

"Aalis na ba?" Tanong ko.

Tiningnan ko pa bahagya ang reflection ko sa salamin at dahan-dahan na hinawi ang buhok na medyo mainit pa.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Where stories live. Discover now