23

2.4K 75 6
                                    

Ask for the moon 23

Nangangatog kong inilibot ang paningin sa paligid dahil sa sobrang kaba. May iilan pang estudyante ang nagtatakang napapatingin sa'kin dahil sa luha sa'king mata na hindi ko na napigilan na lumandas sa'king pisnge.

Mahigit isang linggo na mula nung huli kaming magkita ni Cyrus. Ni anino niya ay wala akong nakikita halos hindi na ako makatulog sa kakaisip kung nasaan na ba siya? Kung ano ang ginagawa niya? Bakit ilang beses akong nangangamusta at natawag sa kaniya pero wala ni kahit ano ang natatanggap ko.

Sa mahigit isang lingo na 'yon ay hindi ako magkandaugaga sa kwarto habang panay ang baling sa cellphone. Kung minsan ay hindi na rin ako nakain dahil sa wala akong gana kaya nga halos sigawan na ako nila Angel at mawi para lang kumain sa huli ay nakain ako dahil pinipilit talaga nila ako.

Napahawak ako sa railings at sa dibdib ng maramdaman na naman ang unting-unting pagsikip at paghirap ko sa paghinga. May napapalingon pa sa'kin na para bang gusto ako lapitan para tanungin kaya bahagya akong umiling sa kanila ay ngumiti.

Pilit kong pinipigilan ang paghikbi dahil nakakahiya na sa mga nakakakita na sinusuri ang pagmumukha ko na para bang gusto pa nila manatili upang tingnan kung hanggang saan ang kakayanin ko.

Pinahid ko ang aking luha gamit ang palad at tinikom ang bibig dahil sa nagbabadya nanamang paghikbi na hindi na ata matapos tapos. Dahan-dahan kong iniangat ang tingin sa kalangitan kasabay ng patuloy na pagtutubig ng aking mga mata. Napahikbi na naman ako kaya ay sumingot-singot pa ako para mapigilan muli. Naiinis ako dahil parang ewan ako dito sa hallway na nagpipigil ng paghihikbi.

Mabuti na lang at iyong ibang mga estudyante na pinapanood ako ay nagsipasukan na sa klase. Wala rin naman ang susunod na Prof namin dahil may emergency daw sabi ng aking ibang classmates.

Mas pipiliin ko pa dito sa labas na pagala-gala at baka isang beses ay makita ko o kaya ay masalubong si Cyrus.

"Yoreh?" Tawag sa akin ng isang babae. "Ayos ka lang ba? Here drink this," sabay abot niya sa'kin ng bottled water.

Bumuntong-hininga ako at kinagat ang labi bago kunin ang inialok niya. Iniangat ko ang tingin sa kaniyang bago bahagyang ngumiti.

Her appearance looks familiar but I can't tell where I saw her or what."Thanks" Pasasalamat ko.

Tumango siya at ngumiti "You're welcome, Sige pasok na'ko," Paalam niya bago tumalikod.

Gusto ko man siya na sundan upang pasalamatan ay hindi ko nagawa dahil sa panlalambot ng aking tuhod. Nasapo ko ang aking noo bago tuluyan na maglakad.

Sa bawat paghakbang ko naman ay nararamdaman kong isang sagi lang sa'kin ng kung sino ay bibigay na ang tuhod ko. Pagod na pagod na ako mag-isip at umiyak at pagod na pagod na rin ang katawan ko.Nagpatuloy ako sa paglalakad habang bitbit ang aking bag at isang bote na tubig na kanina ay iniabot sa akin.

Malakas na simoy na hangin ang tumama sa aking pagmumukha. Mga nagsasayawan na dahon ng malalaking puno sa gilid ng building ang nasilayan ko pa. Maliwanag at nakakasilaw na sikat ng araw na dahilan upang mapailing ako at mapapikit.

Where is he? Where Is my Sun?

Why does my Sun now put me in the dark that he should give light for me?

Because he deserves to do it.

I deserve it, he deserves me to give me light. The light which cometh from him... Not to others otherwise.

Pinilit kong kumalma tsaka nagpakawala muli ng isang buntong hininga na kanina ko pa ginagawa. Umupo ako sa gilid ng malaking puno upang makasilong. Ang sarap pagmasdan ng paligid dito dahil tanaw na tanaw ko ang naglalakihang building at mga estudyanteng nagtatawanan.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon