21

2.7K 77 0
                                    

Ask for the moon 21

Nakasalumbaba akong nakatingala habang dinudungaw ang kulay kahel na langit. Bahagya pa akong napapikit  dahil sa matinding sikat ng araw na tumatama sa'king mukha. Kahit na hindi ako natatamaan ng sikat ng araw ay sa bawat pag-angat ko ng tingin sa kalangitan ay nasisilaw ako.

Malakas na hangin ang nagpabalik sa'king hwisyo. Umayos pa ako ng pagkakaupo at nilagay sa likuran ang ibang hibla ng buhok na tumatama sa aking pisngi.

"Hindi mo pa pala tapos na ayusin 'yan. I thought you're already done," Nakangiting saad niya.

Nilapag ni Cyrus ang dala-dala niyang plato na mayr'ong kanin at  tasa ng ulan na menudo. Naglapag rin siya ng isang lemonade at tubig.

I pouted "Onti na lang naman 'to," Saad ko.

Bahagya kong itinabi ang kaninang mga folder at papel na nasa harapan ko.

He nodded "Alright, Kumain ka muna tutulungan kita ayusin 'yan mamaya pagkatapos natin na kumain,"

Tumango ako at ngumiti.

"Say Ah," utos niya.

"Ih,"

"Baby, Say Ah, susubuan kita," utos niyang muli.

My brows furrowed "Kaya ko kumain mag-isa at may kamay ako," pagsusungit ko.

"Baby... Just shut up and say ah, Ang dami mo pang sinasabi,"

"Ah," pagsuko ko.

Binuka ko ang aking bibig na agad niyang sinubuan ng kanin at ulam. Halos umirap ako dahil sa lawak ng ngiti niya sa labi.

"Good... Baby, Good," saad niya bago sumubo naman ng para sa kaniya.

Ngumuso ako dahil sa mga sinasabi na naman niya.

"Say ah, Again," utos niya muli.

Iniangat na niyang muli ang kutsara at tinapat sa'king bibig.

"Hindi naman kasi ako baby hindi na kai---"

He chuckled "But you're my Baby, So just open your mouth and eat this. Para naman mabusog ka agad," he cut me off.

I pouted and open my mouth.

Para tuloy kaming ewan na pinagtitinginan ng ibang estudyante. Feeling ko nga may mga naiirita na sa'kin dahil sinusubuan pa ako ni Cyrus. Tulad ng unang sinabi sa'kin ni Angel ay kilala 'tong si Cyrus dito sa campus. Gan'on naman talaga sa panahon ngayon kapag gwapo o kaya ay maganda ka ay sikat ka. Wala naman akong pakialam sa iba pang nagkakagusto sa kaniya kahit umirap-irap pa sila ng 360 degree. Well, sorry kayo siya ang may gusto nito.

"Alam mo ang ganda mo," He compliment.

I rolled my eyes "Alam ko,"

He laughed "Alam mo ang sipag mo," sabay baling niya sa mga gamit ko.

I nodded "Alam ko,"

Pinadausdos niya ang kaniyang daliri sa buhok bago uminom ng tubig at ibaling ang tingin sa'kin.

"Alam mo... mahal kita," and then he winked.

Like putangina!

"A-alam ko," Inis kong saad.

Kinagat kong ang ibabang labi ko at kunot-noong nag-iwas ng tingin. Gusto kong tumili agad o di kaya'y magsisigaw dahil sa biglaang kilig na naramdaman.

Narinig ko ang bahagya niyang pagtawa. Alam kong kitang-kita na sa mukha ko ang pagngiti dahil sa hindi mapigilan na ngiti.

"Oh, Selene, My Moon, My Baby are blushing. Lalo kang gumaganda kapag kinikilig ka. Pero mas maganda kung sa'kin ka lang kikiligin," and then he winked again.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن