25

2.5K 72 6
                                    

Ask for the moon 25

Ipinikit ko ang aking mga mata at pilit na ikinalma ang sarili. Awang ang labi akong sumandal sa bintana nitong sasakyan. Naririnig ko pa ang sunod-sunod na pagbuntong hininga nitong kasama ko ngunit hindi ko na siya binalingan pa ng tingin.

Nahihiya pa ako dahil sa biglaan kong pagtawag at pagpapasundo sa kaniya. Alam kong may pagkabusy rin namang tao ito dahil parehas sila ni Ate na grades conscious at tutok sa pag-aaral kaya nga siguro mas lalo silang nagtagal.

"Sigurado ka na ba na uuwi ka na d'on sa Ate mo? Mahirap mag-adjust kung lilipat ka ng school," malamig niyang sambit.

Idinilat ko ang aking mata at pagod na binalingan siya ng tingin.

I shrugged "Hindi ko alam," sagot ko at nag-iwas ng tingin.

Bahagya siyang sumulyap sa akin bago ibalik ang tingin sa daan.

"Yor, Hindi pwedeng bigla bigla kang aalis," Sambit niya.

Kinagat ko ang aking labi at tinuon na lang ang pansin sa daan.

He sighed "Hindi porket may problema kang kinakaharap ay tatakbuhan mo na lang dahil gusto mo. Sometimes you need to face it," giit niya.

"Gusto ko umalis," matigas kong sambit.

Tumango-tango siya " Care to explain?" Tanong niya.

Traffic pa kaya'y bumaling siyang muli sa akin. Pilit kong iniiwas ang tingin sa kaniya dahil baka isumbong niya ako kay Ate o dikaya ay kay Mama at Papa na nagkakaganito ako.

"We broke up," Nagbabadya ang luha kong sinabi.

Sapat na dahilan upang itikom niya ang bibig at nag-iwas ng tingin. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya na bahagyang nagtiim bagang na umiwas ng tingin.

I know how protective he was. Maybe it's because he knew how hurt I was right now?

"Natatakot ako na baka makasalubong silang dalawa ni Akia or what," Pagdadahilan ko.

Nagsimula muli ang pag-andar ng sasakyan.

"Natatakot ako kasi baka umiyak lang ako sa harapan nila," Halos pumiyok kong sinabi.

Bumuntong hininga siya at muling itinikom ang bibig para pigilan ang paglabas ng kung anong salita.

Kinusot ko ang aking mata at tumingin sa kaniya. "Hindi ko alam anong gagawin," Paliwanag ko.

Nanatili kaming tahimik sa buong byahe at walang ni isa sa amin ang nagtangkang magsalita. Mukhang naiintindihan naman na niya ata ang gusto ko. Na gusto ko muna na ipahinga ang bibig ko. Tahimik siyang bumaba sa sasakyan at umikot para pagbuksan ako.

Mariin kong kinagat ang aking labi at yumuko dahil sa luhang nagbabadya muling bumuhos. Hindi ko na kinuha ang bag ko dahil babalik rin naman ako dito kaya bumaba na ako.

Nararamdaman ko pa ang titig ni Samuel ngunit hindi ko na siya muli pangpinansin at nakayukong naglakad. Nandito na naman ang nagpapahiwatig na paghikbi at pagsikip ng aking dibdib.

Bakit ganito? Bakit parang sobrang hirap? Bakit sobrang sakit ng mga nangyayari? Hindi ba pwedeng sa tabi ko na lang siya at hindi sa iba?

"Baby.." Agad akong nag-angat ng tingin. Kagat-labing sambit ni Cyrus.

Kunot-noo ko siyang tiningnan para mapigilan ang luhang gusto na bumagsak. Ang kaniyang nagsusumamong mga mata at namumulang mukha ay mas lalong nagpapasikip sa dibdib ko.

What he wants now? He wants me to end our relationship and I already did! then why he's here?

"A-anong ginagawa mo dito?" Halos mabasag na boses na tanong ko.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Where stories live. Discover now