24

2.4K 81 12
                                    

Ask for the moon 24

"Sigurado ka ba na si Cyrus iyon?" Baling ni Angel kay Elica.

Kagat-labing tumango si Elica mukhang ang babae na nasa isip niya rin ay si Akia.

Dahan-dahan kong iniangat muli ang aking palad sa mukha para takpan dahil sa sunod-sunod na pagpatak ng aking luha. Ramdam ko pa rin ang paggalaw ng aking balikat.

Bakit na naman ako naiyak ng dahil sa kaniya?!

Narinig ko na naman ang sunod-sunod na pagbuntong hininga nitong mga nasa tabi ko. Hinawi ulit nila ang likod ko at pilit akong pinapakalma.

Tahimik lang sila at tanging pag-iyak ko lang ang naririnig ko damang-dama ko na rin ang pagkakabasa ng aking mukha dahil sa luha. Gustuhin ko man na alisin ang kamay na nakatakip sa mukha ay hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kanila.

Halos mapatalon ako ng biglang tumunog ang cellphone ko senyales na mayroong tumatawag. Pinunasan kong muli ang aking mukha. Dahan-dahan kong ipinababa ang kamay upang kunin sa bulsa ko ang cellphone.

Agad akong napatayo ng masilayan sa screen ang matagal ko na hinihintay na magparamdama sa akin. Napatingin ako kina Angel at ipinakita sa kanila ang screen. Mukhang nagulat rin siya sa nakita kaya tumango-tango siya senyales na sagutin ko.

Ngumiti ako at nagpakawala ng buntong hinga kasabay ng sabay sabay na paglunok upang mapigilan ang pagpiyok.

"Hello," Panimula ko.

Mariin ko pangkinagat ang labi at tinuon ang titig sa paanan. Walang nagsasalita sa linya at tanging pagbuntong hininga lang. Nagsisimula na ulit na magtubig ang aking mata.

"H-hello" Garalgal ang boses na ulit ko.

Naramdaman ko ang seryosong titig sa akin nitong dalawa na nasa gilid ko dahil sa boses kong narinig nila.

[B-baby...] mukhang hirap hirap rin na sambit niya.

Napahikbi na ako at napatakip sa bibig dahil ayaw kong marinig niya ako.

"Hmm" tanging saad ko.

Alam kong alam niya na nagkakaganito ako sunod-sunod na mabibigat na pagbuntong hininga ang ginawa niyang narinig ko.

[Baby, I love you but...] he stopped.

Anong but?!

Nararamdaman ko na ang paglambot ng tuhod ko dahil parang may kung ano na nagsasabi sa akin kung saan na ito patungo. Itinikom ko ang bibig at hinintay ang susunod niya sasabihin.

[I can't give you my whole damn time because some of my friends need me. I can't choose to be selfish right now, baby.] Napaupo na ako at hindi napigilan na humagulgol. Bakit hindi Cyrus!

[She needs me right now but Baby. I loved you, alright? Kailangan lang talaga ako ngayon ni Akia dahil sa problema niya---]

"But I need you too," Hagulgol kong sambit.

Naramdaman ko naman agad ang paghagod muli nila sa likod ko. Yinakap ko ang aking tuhod habang nakaipit sa pagitan ng tenga at balikat ang cellphone kasabay ng patuloy pa rin na pagtulo ng aking mga luha.

[Baby...] garalgal rin na boses na sambit niya.

Bakit naririnig ko rin ang paghikbi niya? Kung nasasaktan siya bakit hindi pwede?

"Kailangan ka niya pero kailangan rin kita." Nagsusumamong sabi ko.

[Baby... Kailangan niya talaga ako at ako lang ang makakatulong sa kaniya. I want to tell you why I'm doing this. I want to tell you the real reason. Pero hindi pwede dahil nirerespeto ko ang gusto ni Akia na itago ito kahit kanino,] He explained.

ASK FOR THE MOON (COMPLETED)Where stories live. Discover now