99

18 3 0
                                    

Author

Nang mailigtas ni Woojin at Jihoon ang iba, agad nilang hinanap sina Minhyun at Seongwoo na hinahanap rin sila. Patuloy lamang ang pag-hahanap ni Jihoon kay Jiyeon kahit na nahihirapan na itong mag-lakad dahil sa mga nakakasalubong niyang mga lalaki para saktan siya. Naikot na rin niya ang buong second floor at third floor pero wala siyang makitang Jiyeon kaya inisip niya ng mabuti ang kinaroroonan ng babaeng kailangan niya iligtas.

'Kung sa mga kwento, lagi nilang dinadala ang mga bida sa basement. Baka ganun rin ang ginawa ni Clark kay Jiyeon'. Agad na tumakbo si Jihoon papunta sa first floor pero bago iyon, nakipagsuntukan muna siya sa mga lalaking nakikita niya at dahil ubos na rin ang baril na gamit niya, ginagamit niya lamang itong panghampas sa ulo ng mga lalaki dahil masakitn rin ito gamitin. Pagod na pagod si Jihoon na bumababa ng hagdan bago pasimpleng nag-lakad papunta sa basement na kani-kanina niya nakita.

Madilim, sobrang dilim pero kitang-kita niya ang itsura ni Jiyeon ngayon. Nakagapos sa isang upuan habang nakablindfold, humihikbi habang nakayuko at nag-hihintay ng tulong.

Jihoon approached her, his heart shattered into pieces seeing her like this but lalo siyang ginaganahan na makipaglaban kay Clark dahil sa itsura ni Jiyeon ngayon. Pinili ni Jihoon na huwag na lamang mag-salita bagkus, dinampi niya ang labi niya sa labi ni Jiyeon.

'This lips, I feel like... Alam ko kung kanino itong labing ito'. Tumibok ang puso ni Jiyeon dahil nakilala na niya ang taong humahalik sa kanya ngayon. Sabik na sabik na niya makita kung sino ito pero alam na niya, 'Park Jihoon...'

Unti-Unting lumayo si Jihoon bago tanggalin ang blindfold ni Jiyeon. Tumulo ang luha ng dalawa dahil tama ang hula niya, ang lalaking mahal niya ay nasa harap niya upang maligtas siya, "Jihoon..." Tawag nito pero biglang may sumuntok kay Jihoon mula sa likod kaya bumagsak si Jihoon sa harap niya. Sa sobrang pagod ni Jihoon, hindi na niya magawang makatayo.

"Tangina ka. Wala ka sa timing, Jihoon," Galit na sambit ni Clark habang hawak-hawak si Jihoon sa leeg nito gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa naman ay may hawak na baril na nakatutok sa likod ng lalaking labis na kinaaayawan ni Clark, "Tara na nga d'on, ready na daw ang mga audience," Nakangising sabi ni Clark bago ibigay sa kanyang mga alaga ang walang lakas na si Jihoon.

"Ikaw naman, bakit mo naman hinayaang halikan ka ng batang iyon? Sa harap ko pa talaga, Jiyeon," Tanong ni Clark sa dalawa.

"Masakit, diba? Pero wala akong pake. Pakawalan mo ako!" Sigaw ni Jiyeon pero hindi na lamang nakinig si Clark bagkus, tinali na lamang nila ang kamay ni Jiyeon sa likod upang hindi ito makatakas. Dinala ng kanyang mga tao si Jiyeon at Jihoon para simulan ang pakulo ni Clark.

Patuloy lamang ang pag-takbo nila Woojin at mga kaibigan niya nang may bumagsak na steel bars sa paligid nila kaya muli silang nakulong. Sinubukan nila itong buhatin ngunit sa sobrang bigat nito, naubos lamang ang lakas nila kaya sumuko na rin lamang sila.

"Aalis agad kayo?"

Nagulat ang lahat at napatingin sa kanilang likuran dahil sa nag-salita. Nagalit pa ang iba dahil hawak-hawak nito si Jiyeon at ang isang duguan na si Jihoon.

"PARK JIHOON! MIN JIYEON!" Sigaw ni Woojin mula sa kulungan nila, tumindi ang galit ng mga kaibigan niya habang pinapanood ang dalawa na hinihila lamang na parang mga patay na aso, "Walang hiya ka, Clark!" Sigaw pa ni Guanlin.

NERVE! au | Wanna OneWhere stories live. Discover now