58

18 3 0
                                    

Unknown

"Bakit kasi ayaw mo ibalik kay Hwang?" Nagigigil na tanong niya sa akin, ngumisi lamang ako habang pinapanood siyang halos lumuhod na sa sobrang pagmamakaawa, "Hindi mo ginawa yung code!"

"Nyeh nyeh, so what? Masyado kasi siyang tanga dahil hindi pa niya ipinaubaya sa akin ang project namin," Sabi ko sa kanya, halos mapahampas na siya sa sobrang inis dahil sa sinabi ko, ikinatawa ko naman ang reaksyon niya habang umiinok ng beer na binili ko, "At isa pa, kailangan ko pa kuhanin si Jiyeon. Naiintindihan mo?" Dagdag ko pa.

"Hindi ka mahal ni Jiyeon! Hindi ka nya mamahalin kapag nalaman niya ang lahat ng ito!" Sigaw niya sa akin kaya seryoso kong tiningnan siya at ibinuhos sa kanya ang beer na iniinom ko, "Kingina!" Mura niya.

"Alam ko, kaya nga ako ang nag-patuloy ng code para maalala niya ako diba? Ang tanga-tanga nyo rin kasi ipinahamak nyo pa siya at ngayon, nakalimutan niya ang mga nangyari dati. Ang bobo niyo," Sambit ko bago ko utusan ang mga alaga ko na saktan siya.

NERVE! au | Wanna OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon