53

20 4 0
                                    

Jiyeon

Nang makarating ako ng mall, kinuha ko agad ang cellphone ko para matawagan si Minso, nandito na daw sila.

"Nandito kami sa McDo, hindi kami kumakain ah, hinihintay ka namin," Natawa ako sa sinabi niya, pinatay ko na ang tawag bago pumasok sa mall.

Unti-unting namula ang mukha ko dahil nakatingin lahat sila sa akin, may dumi ha ang mukha ko? Yung damit ko, may dumi? Tanong ng isip ko sa kanila, yumuko ako para i-check kung may dumi nga ba o wala.

"Alam ko sa sarili ko na maganda ako pero hindi ko ineexpect na may mas maganda pa sa akin," Rinig kong sabi ng isang babae kaya napatingin ako dun, ngumiti sila sa akin kaya naaakward akong ngumiti sa kanila at nag-madaling mag-lakad.

Nakajeans, simpleng white t-shirt at tweed jacket lamang ako. Nakalugay lamang ang buhok ko at wala naman akong make-up, hindi naman ako satisfied sa itsura ko but when I hear everyone's whisper about me, mukhang nasasatisfy naman ako.

Nakarating ako ng McDo at nakita ko si Minso, Heena, at Arin na kumakain ng chicken burger, I sighed before I went to them.

"Ano ba yan? Ikaw na lang lagi ang pinag-titinginan ng mga tao, maganda naman ako," Natawa naman ako sa sinabi ni Minso at ang iba naming kasama ay nag-ngiwi lamang.

"Maganda naman talaga si Jiyeon kaysa sa'yo Minso," Pag-rerealtalk ni Arin sa kanya, sinamaan siya ng tingin ni Minso.

"You lied Minso," Pag-babago ko ng topic, nanlaki naman ang mata niya bago dahan-dahang tumingin sa akin, "Ang daya nyo, kumakain kayo. Sabi mo kanina, hindi," Nag-tatampong sabi ko sa kanya.

"Binilhan ka din namin," May inabot sa aking chicken burger si Heena Unnie kaya kinuha ko naman yun at nag-simulang kumain, hindi pa kasi ako nag-uumagahan kaya sapat na itong chicken burger at isa pa, ayaw ko na ulit tumaba.

"Ahh! Ang taba!"

"Fatty Jiyeon,"

"Jiyeon, uso mag-diet,"

"Hahaha! Piggy Jiyeon!,"

Everything was like a nightmare back then.

Nag-simula na kaming mag-lakad habang kinakain namin yung chicken burger namin, bago kami pumasok sa department store, it's every girls thing, pero iba ako sa kanila, I just buy some clothes if some pairs satisfy me or nagugustuhan kong suotin.

"Guys, sa coat section lang ako," Paalam ko sa kanila bago mag-lakad papalayo, nag-punta ako sa coat section at hinanap ang pinakafavorite kong coat na matagal ko ng gusto bilhin, I saved up some money for my needs kasi hindi lagi nag-papadala si Mom ng pera from her work kaya kailangan ko mag-tipid.

Nang makita ko na ang coat na hinahanap ko, I'm about to grab it but there is someone's hand landed on the coat first, napatingin naman ako sa may-ari ng kamay na yun and it was a boy. As far as I now, girls coat ang section na ito, what is he doing here?

"Uhm... Bibilhin mo?" I awkwardly asked him, tumingin siya akin ang wait-- he's my life saver!

"Yes, for someone sana," He said so I nodded. I understand naman na ireregalo nya iyon for someone kaya hinayaan ko ka lamang, mapagparaya kasi akong tao at kung nauna naman siya sa akin, naiintindihan ko. I'm sure na hindi pa iyon ang last stock.

"Really? For whom?" I asked him.

"Well, for friend," Did I just heard him right? Friend or girlfriend?

"Baka girlfriend," Pang-aasar ko sa kanya, his eyes widened before looking at me, agad din siyang umiling.

"Hindi, hindi. We are not a thing," He shyly answered na ikinangiti ko naman.

Nag-lakad na siya papalayo so I sighed, I was too late para makuha yung coat na yun.

I called one of salesladies walking around the store, I asked if meron pa silang stock ng coat na nakadisplay sa mannequin kanina and they answered me na last stock na lamang yun, it was limited na matagal na nalaunch kaya huling coat na lamang yun mula sa favorite kong brand.

I tried to look some other coats na similar sa coat na gusto ko, I didn't find one kaya naman sumuko na ako, nag-hanap na lamang ako ng ibang damit and then I saw my friends already paying. I went to them and I saw how their eyes getting confused sa akin na walang dala na kahit anong damit.

"Wala kang bibilhin? Bakit ka pa nag-punta sa coat section?" Arin asked, I sighed before I answered, "Naunahan na kasi ako tapos last stock na pala yung napili ko,"

"Aw... Too bad," Minso commented as she paid the clothes she wanted.

"Jiyeon!"

We're about to leave the department store when someone called my name, I took a glance to know who is it and it was Jihoon, my life-saver, running towards me,  kumunot-noo ako.

"Para sa'yo talaga ito," He said bago niya iabot sa akin ang isang paper bag, wait....

It's my favorite coat.

"Akala ko for your friend?" Tanong ko sa kanya at umiling siya sa akin. Wait, I'm confused.

"It's really for you. I saw how you really wanted to buy that coat so I bought it for you," Sabi niya sa akin kaya biglang nakaramdam ako ng paro-parong lumilipad sa loob ng tiyan ko. What the heck? Butterflies?

"T-Thank you," Nauutal kong sabi at hindi ko alam kung bakit ako nauutal ngayon, I just wanted to thank him properly pero hindi nakikisabay ang bibig ko.

NERVE! au | Wanna OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon