11

36 3 0
                                    

Jihoon

Nag-lalakad lamang kami nina Woojin papunta sa surgery room dahil tinatahi na ang likod ni Daniel hyung. Hindi mawala sa isip ko kung sino ang gumawa nun at bakit nya ginawa yun.

"Kapag nalaman ko ang player na gumawa nun kay hyung, masasakal ko sya," Rinig kong sabi ni Woojin.

"Wala namang kasalanan yung player, watcher ang sisihin mo," Sabi ko sa kanya, tumingin siya sa akin pero umiwas na lang din bago hawakan ang sintido niya.

"Ano ba ang sabi ni Minhyun Hyung?" Tanong ni Woojin sa akin, nag-kibit balikat na lang ako dahil wala rin akong alam.

Napatingin na lamang ako dun sa mga babaeng nagtatakbuhan papunta sa emergency room. Tinitingnan ko kung sino sila at natameme ako dahil isa sa kanila ang watcher ko.

"Wait, mauna na kayo, kukuha lang ako ng maiinom," Sabi ng watcher ko sa mga kasama sya.

"Ingat ka, Jiyeon,"

Jiyeon....

Lol.

Agad siyang tumakbo papunta sa gawi namin, tama nga yung sinasabi nila, maganda nga si Jiyeon ng section 2. As far as I know, kaklase siya ni Woojin.

"Saan ka nakatingin?" Tanong ni Woojin sa akin, binalik ko ang atensyon ko sa kanya, "Si Jiyeon yun diba?" Tumuro sya kay Jiyeon na tumatakbo papunta sa nurse station para humingi ng tubig, "Bakit nandito yan?"

"Wala rin ako ideya," Sabi ko bago muling tumingin kay Jiyeon.

She used to be a fatty girl na lagi nilang binubully noon, kinukwento lang naman yun ni Woojin sa akin, hindi ko naman itensyon na alamin iyon.

I wonder what happened to her, ang ganda na niya ngayon.

"Pumayat sya no?" Tanong ni Woojin sa akin, ngumisi lang ako sa kanya habang umiiling at nag-lakad papunta kina Hyung.

NERVE! au | Wanna OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon