46

18 3 0
                                    

Jihoon

Ako ang may kasalanan kung bakit nasusunog yung school garden. Hahahaha!

Pero hindi ko naman alam na may natatrap na babae dun sa garden!

Agad akong tumakbo papalabas ng classroom kahit sinasabi sa amin na huwag kaming lamabas, dali-dali kong tinawagan si Jisung hyung kung nasaan siya at sinabi niya sa akin na nahimatay na siya doon, ang nakakabwisit pa, masyado nang malaki ang apoy.

"Ang bobo kasi ng player, hindi manlang chineck kung may tao," Hingal na hingal kong sabi sa sarili ko.

Nang makarating na ako, agad kong hinanap si Jiyeon na sinasabi nila, nag-send sila ng picture para malaman ko ang mukha niya, grabe sayang ang ganda kapag nasunog ang mukha nito.

Nag-lilibot ako kahit sobrang init na, nag-punta ako sa pinakamalapit na gripo at binasa ang damit ko at panyo ko bago ilagay yun sa ilong ko, nakita ko naman si Jiyeon na nakahilata na sa lupa.

"Shit!" Sigaw ko.

Agad ko siyang binuhat at muling nag-hanap ng daan para makalabas, pinatong ko sa ilong nya ang panyo na binasa ko at agad na tumakbo papalayo.

"Hindi ka pwede mamatay," Sabi ko sa babaeng buhat-buhat ko.

Nang makakita ako ng madadaanan, tumakbo ako papunta dun hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas, agad ko siyang hiniga sa lupa bago subukan siyang gisingin.

"H-Hey! Wake up!" Sabi ko habang tinatap yung pisngi niya pero hindi parin siya nagigising, nawawalan ako ng choice kaya binigyan ko na sya ng CPR.

Nag-bibigay lang ng CPR sa kanya noong dumating ang mga kaibigan ko, napahawak pa sila sa bibig nila habang nakatingin sa akin kaya umirap ako sa kawalan bago muling tingnan ang mukha ng babae.

Seems familiar.

"Bakit nakatayo lang kayo dyan? Tumawag kayo ambulansya!" Utos ko sa kanila.

"Paparating na sila," Sabi sa akin ni Guanlin, napatitig muli ako sa babae na unti-unting nagigising bago mapatingin sa akin.

"Jigoo...."

NERVE! au | Wanna OneNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ