95

17 3 0
                                    

Jihoon

"Ito ang critical evidence na nakita ko sa banyo ng Science Department," Panimula ko, "Nang ipaliwanag ni Guanlin na tumalon ang killer at nag-laho, pwedeng tumalon ito papunta ng fire exit at dumaretso sa department namin dahil d'on nakalink ang fire exit na dinaanan ng killer. That explains kung bakit may pahid ng dugo sa banyo namin habang nag-lilinis ako ng kamay after namin matapos sa activity namin at may nakita akong Black T-Shirt na amoy dugo ng tao,"

"It's size 'L' pero madaming Large sizes ang meron dito sa university. It could be students or staffs or teachers pero dahil wala paring sapat na evidence, hindi kami tatalon papunta sa conclusions," Dagdag ni Guanlin sa sinabi ko kaya naman doble ang ngisi ko, kaya niyang ipaliwanag ng maayos ang nangyayari kumpara sa mga sinasabi niya sa group chat namin na puro mura at kamanyakan, "At ang tanda ko, kasing-tangkad ito ni Clark."

"Sinisisi mo ba ako?" Inis na tanong ni Clark habang nakayukom ang kamao niya.

"Bakit? Guilty ka?" Pang-aasar ni Guanlin, "Kapareho lang kayo ng tangkad pero hindi ko sinasabi na ikaw ang may sala. Napaghahalataan ka, Clark,"

Nanahimik na lamang si Clark sa kinatatayuan niya habang patuloy ang pakikinig sa kwentuhan namin, he looks guilty, isn't? Kung titingnan mo ang bawat kilos niya, kanina pa siyang hindi mapakali at kanina pang bumubuga ng hangin.

"This is nonsense, why don't you just check the CCTVs? Para naman mahuli na kung sino yun." Tanong ni Mr. Principal pero umiling ako, he looks frustrated already while staring at me, "What?"

"Before the crime happened, the CCTVs were hacked already. It means hindi lamang siya ang nag-iisang pumatay. Probably may kasama itong hacker na nakaassign sa CCTV Cameras upang hindi gumana ito at maging maayos ang plano nila," I explained, nakita ko kung paano napahampas sa lamesa ang principal namin sa sobrang inis.

Nabalot ng katahimikan ang paligid, nanatili kami ni Guanlin na nakatayo habang nag-hihintay ng maaari nilang maitanong. Nakaamoy na lamang ako bigla ng nakakahilong amoy na bumabalot sa buong faculty room kaya naman agad akong napatingin sa paligid, lumabas ang isang machine kung saan nagmumula ang usok na nakakaliyo, I tried to stopped that machine pero fuck! Ang lakas nito mag-buga.

Binalikan si Guanlin, he's half awake, "H-Hyung! Tumakbo ka na!" Pilit niyang utos sa akin.

"Hindi Lai! Hindi ako papayag na may mawala nanaman sa atin," Pagmamatigas ko bago pumunta sa isang pintuan papalabas ng faculty. It's locked, hindi ko mabuksan kaya kinalampag ko na lamang pero walang nakakarinig. I tried to kick it para masira ang isang parte ng pintuan pero mukhang gawa ata ito sa bakal sa sobrang tibay, "Putangina, buksan niyo ito!" Pilit kong sigaw pero hindi ko na kinakaya.

Bigla na lamang akong natumba.

• • •

Nagising na lamang ako sa loob ng faculty room, walang tao kahit isa. Nag-simula na akong kabahan habang tinitingnan ang paligid. Anong nangyari? Bakit bigla na lamang akong nagising dito? Ang pagkakatanda ko, nag-papaliwanag ako tungkol sa krimen na nangyari sa rooftop. Nasaan si Guanlin? Nasaan na ang mga tao?

Lumabas ako ng faculty room at imbes na dumaretso ako sa classroom namin, lumabas ako ng building. Walang mga estudyante kaya naman napahawak na ako sa ulo ko habang inaalala ang mga nangyayari. Walang katao-tao sa loob ng university kahit isa.

Tumingin ako sa cellphone ko, Unknown messaged me.

-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-

Unknown
• -----------

Unknown:
Marunong ka pala makipaglaro Jihoon
Kaso mali ka ng kalaro

Unknown:
Tingnan na lang natin kung kaya mo pang manalo ngayong round na ito.
As your last watcher, pumunta ka sa isesend kong picture. Hindi ko sasabihin ang address.

Unknown:If ever na curious ka sa limitYou have

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Unknown:
If ever na curious ka sa limit
You have...
Hmmm....?
2 hours? HAHAHHA
Let's see kung sino ang mananalo sa ating dalawa.

Unknown went offline...

Jihoon:
Fuck you! Anong ginagawa mo?
Hoy tangina sumagot ka!
Bading!

You went offline...

-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-

Agad akong lumabas ng classroom para hanapin ang abandonadong lugar na iyon. Hindi mo man alam kung saan iyon pero gagawin ko ang lahat ng makakakaya ko para mahanap ang mga kaibigan ko. Ako na lamang ang natira sa amin at alam kong kailangan nila ngayon.

Nag-lalakad ako sa gitna ng kalsada, wala ring mga kotseng dumadaan kaya malaya akong nakakatakbo papunta sa abandonadong lugar na sinend sa akin ng putanginang unknown na iyon. Wala akong mapapag-tanungan kung nasaan ba iyon kaya naman tumigil muna ako sandali at inisip kung nasaan ito.

Baka naman galing ito sa pinterest at hindi talaga totoong lugar ito?

Sa mga iniisip ko, lalo kong pinaglalaruan ang sarili ko. Namuo ang luha sa mata ko dahil nawawalan na ako ng pag-asa na makita sila. Masyadong malaki ang mundo para maikot ito sa loob ng dalawang oras. I sighed out of frustration bago muling tumayo at nag-simulang tumakbo.

I can see a van moving to my direction kaya naman tumigil ako. Tumigil ako sa gitna ng kalsada at akala ko'y babanggain niya ako pero tumigil ito sa harap ko at hindi ko inaasahan na silang dalawa ang makikita ko sa loob ng van.

"M-Minhyun hyung..." Bulong ko sa pangalan niya kaya naman bumaba sila at kasama niya si Seongwoo hyung. Napaupo na lamang ako dahil hindi ako makapaniwalang sila ang may pakana ng lahat ng ito. Nakasuot sila ng itim na damit habang nalapit sa akin, "Walang hiya ka hyung!" Sigaw ko.

"Jihoon, makinig ka muna," Sabi sa akin ni Seongwoo kaya tumahimik ako, "Nagpapanggap lamang kami na isa kami sa alaga ni Unknown pero ang totoo niyan, tinutulungan namin kayo. Maniwala kayo sa amin, Jihoon. Ikaw na lamang ang tatapos ng mga nangyayari. Ikaw lang,"

NERVE! au | Wanna OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon