97

13 3 0
                                    

Jiyeon

"Kanina pa dapat si Jihoon ah, bakit naman ang tagal niya?" Rinig kong tanong ni Clark sa tapat ko habang tumitingin maya't-maya sa kanyang relo, napairap naman ako sa kawalan kahit nakablind-fold ako at nakatali ang paa't kamay ko sa upuang kinauupuan ko, "Sapat na ang binigay kong oras para sa kanya, yet hindi parin niya mahanap? Ganun ba kahirap mahanap ang lugar na ito?" Dagdag na anong niya sa sarili niya.

"Bobo ka o bobo ka? Abandonadong lugar ang pinuntahan natin tapos mag-eexpect ka na madali siyang makakapunta? May alam ka bang nakidnap na agad na mahahanap?" Pananagot ko sa kanya habang nakangisi sa kanya, I knew that he's already done about those words I spit pero wala na akong pakielam sa reaksyon niya.

"Mananahimik ka nga lang, mahirap ba 'yon, Jiyeon? Kanina ka pang nag-sasalita ng ikakasakit ko," Aniya kaya napatawa ako ng sobrang lakas. Yung tipong nag-eecho na sa sobrang lakas, "Tangina, sabing manahimik! Puputulin ko na ang dila mo," Banta pa niya.

"Come on, Clark or my pathetic ex-boyfriend. I was just joking. Hindi ko alam na pikunin ka pala kagaya ni Jihoon na BOYFRIEND ko," Pang-aasar ko pa lalo kaya naramdaman kong nilapitan niya ako bago ako sampalin.

Sakit n'on ah. Para siyang babaeng nanampal.

"I SAID SHUT UP!" Sigaw niya at nag-echo yun sa apat na sulok ng kwartong ito, "But that's okay. Nandito na rin naman siya, malapit na mag-simula ang palabas."

"Anong palabas? Movie? Drama? Music Show? Reality Show? Tell me what kind of palabas that you're talking about. I'm looking forward to it,"

"You should be, because you and Jihoon will be the lead actors and actress for this Movie or should I say... story,"

"How about the script? Anong sasabihin ko?"

Matapos kong sabihin iyon, naramdaman ko ang presensya niya. Ramdam ko na rin ang hininga niya sa tenga ko at bumulog, "Jihoon, kailangan mong mamatay."

"FUCK YOU!"

Lumabas siya ng kwarto habang tumatawa na sobrang sama kaya naman naiwan akong naiiyak sa kwartong ito. Papatayin niya si Jihoon at ginagamit niya ako para mapatay niya si Jihoon, but I have to be strong. Alam kong gagawin ni Jihoon ang best niya para iligtas kami kaya 'yon rin ang gagawin ko once na makatakas ako sa bwisit na lugar na ito.

Author

Masyadong madilim ang paligid ng nilalakad ni Jihoon nang makapasok na siya sa building na 'yon. Buong tapang niyang hinahakbang ang paa niya kahit na flashlight lamang at mga punding ilaw ang nag-sisilbing liwanag sa lugar na tinatahak niya. Alam niya sa sarili niya na naduduwag siya pero wala na siyang pakielam at nag-patuloy sa pag-lalakad hanggang sa makakita siya ng pintong nakabukas.

Jihoon sighed before entering that room. Napahawak pa siya sa bibig niya dahil nakita niya ang kaibigan na si Woojin na nakahiga sa kama habang nakahandcuffs ang dalawang kamay at paa nito at natutulog sa isang sulok. Nilapitan niya ito bago subukang gising pero mukhang tulog talaga ang kaibigan kaya naman sumuko na siya bago mag-hanap ng paraan para alisin ang handcuffs pero biglang naging pula ang paligid at tumunog na akala mo'y fire alarm.

Agad siyang nag-tago sa ilalim ng kama kahit na nagising ang kaibigan, "What the fuck? Sinong nandiyan?!" Sigaw na tanong ni Woojin habang pinipilit na sirain ang handcuffs.

"Woojin," Pabulong na tawag ni Jihoon. Naging alerto naman si Woojin sa narinig kaya agad na lumingon ito sa paligid, "Ako ito, si Jihoon. Nagtatago ako sa ilalim ng kama. Kapag may dumating, mag-panggap ka na hindi mo alam na nandito ako," Bulong nito kaya naman tumango si Woojin kahit hindi siya nakikita ng kaibigan.

Bumagsak muli ang pinto at nakarinig sila ng kasa ng baril, nanlaki ang mata ni Jihoon dahil d'un kaya naman pinigilan niya ang bibig niya na gumawa ng kahit anong ingay, "Sinong kausap mo diyan? Bakit tumunog ang alarm?" Tanong ng isang men-in-black.

"Malay ko, kaya nga ako nag-tatanong kung sino ang nandiyan, diba? Bobo ka ba? Mag-isip ka nga," Tanong ni Woojin pabalik sa lalaking kaharap niya.

Muntik na matawa si Jihoon sa tanong ng kaibigan kaya tumawa na lamang ito sa isip niya. Kaibigan niya nga ang mga ito kasi kahit na hindi nila kilala ang kausap nila, panay parin ang pangtatrashtalk ng mga ito sa iba. Nakakaproud lang.

Jihoon felt cornered kaya agad siyang nag-hanap ng mababato sa paa ng lalaking kausap ni Woojin at buti na lamang, nakahanap siya ng kutsilyo sa ilalim kaya isinaksak niya ito sa paa ng lalaki, napasigaw naman ito ng malakas kaya nabitawan ang baril at nakuha iyon ni Jihoon bago iputok sa lalaking sumisigaw at ilang segundo pa lamang, nawalan na ito ng boses.

Agad na umaksyon si Jihoon, kinuha niya ang handcuff ni Woojin at binaril ang gitna nito kaya nakakagalaw na ito ng maayos, binigay ni Jihoon ang kutsilyo kay Woojin pero mukhang takot ang kaibigan, "Kailangan mo gawin ito Woojin, para makalabas tayo dito ng kumpleto at buhay," Pag-kukumbinsi ni Jihoon kaya tinanggap ito ni Woojin kasabay ng pag-dating ng ilang mga lalaki, "Anak ng supot na si Clark naman oh,"

Sumugod ang mga lalaki para makipagbakbakan kina Jihoon. Buti na lamang, lumaking nag-iisa si Jihoon at nasanay itong mag-isa kaya tinuruan niya ang sarili niyang makipaglaban. Hindi siya takot sa anumang mangyari at ang nasa isip niya ngayon ay iligtas ang mga kaibigan.

"I like this. Mala-action movies ang sitwasyon natin," Nakangising sabi ni Woojin habang inaamoy ang kutsilyong gamit niya kasabay ng pag-tunog muli ng alarm.

"Ganito, Woojin. Hanapin mo sila at hahanapin ko ang iba. Nandito sina Seongwoo hyung at Minhyun hyung bilang back-up natin kaya huwag ka mag-alala. Kapag nahanap mo na sila, hanapin mo sina hyung. Ako na ang bahala kay Clark,"

"Pero Jihoon---,"

"Dali na Woojin, wala na tayong oras," Pamumutol ni Jihoon kaya lumabas sila ng kwarto para hanapin ang iba.

Tumatakbo lamang si Woojin papunta sa isa pang kwarto nang makakita siya ng mga lalaking nag-babantay. Nag-tago ito sa isang sulok at nag-hintay ng tamang oras para sumugod. Dahil antok na rin ang nag-babantay, kinuha ni Woojin ang chance na 'yon para patayin ang dalawang lalaki. Hindi naman agad nakapalag ang dalawa dahil namatay rin ito dahil sa saksak sa dibdib. Wala ng pakielam si Woojin sa ginagawa niya at alam naman niyang ginagawa niya ito para sa mga taong mahal niya.

Pumasok siya ng kwarto at hindi niya inaasahan ang nakita niya. Si Romi na nakagapos habang walang malay sa isang tabi.

NERVE! au | Wanna OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon