Fifteen: Gilliana

Začít od začátku
                                    

I am satisfied.

When you are in love, it is okay to just sit down and feel the contentment inside your heart.

[Marie, dali na. Magkita tayo ngayon! Please? Lilibre kita...] pangungulit sa akin ni Lawrence kinabukasan.

Naglalakad ako papasok sa kwarto habang sinasagot ang tawag niya. Nang masigurado kong nakasara na ang pinto ay saka ako nagsalita.

"Baliw ka ba? Ayaw kong pumunta ng Maynila! Traffic kaya dahil magpapasko!" singhal ko sa kaniya bago humawak sa noo.

Nakakastress naman ito! Kung dati ay sa chat lang siya nangungulit, ngayon ay nagagawa na niyang tawagan ako. Buti sana kung isang beses lang pero kapag hindi mo sinagot yung tawag niya, hindi ka niya tatantanan hanggang mabwisit ka at kausapin na lang siya.

[Sino ba kasing nagsabing pupunta ka ng Manila? Ako pupunta dyan sa Pasig!]

Bahagyang tumaas ang kilay ko mula sa narinig sa kaniya? Anu daw?

"Ano bang pinagsasabi mo? Tigilan mo nga ako Angeles! Magstay ka na lang sa bahay niyo, 'wag ka nang dumagdag sa traffic!"

Narinig ko ang pagbuntong ng hininga niya mula sa kabilang linya.

[Nandito na kaya ako sa SM East Ortigas kanina pa,] malungkot at mahina niyang sabi.

Kung kanina ay naiirita ako dahil sa pangungulit niya, ngayon naman ay nagmamadali akong pumunta sa mga cabinet para maghanap ng damit na isusuot?

"Ano? Kanina ka pa dyan? Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

[Eh kasi, ayokong magset ng oras kasi baka malate ako dahil sa traffic o di kaya'y maligaw. Tsaka surprise nga ...]

Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang pagngiti nang mapaupo sa sahig dahil sa sinabi niya.

To Win You (Pamantasan Series #2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat