"Okay." Humugot din si Yuan ng isang malalim na hininga. Hindi man kumbinsido sa narinig ay ayaw niya ng makipag-argumento pa. "So, what now? Now that they've killed everyone outside Batanes, what happens next?"



"They wait," seryosong sabi ng matandang doktor. Muli siyang bumuntong hininga. "For all of those zombies to die again. Tao pa rin sila, Yuan. Mas matagal nga lang, pero magugutom pa din sila paglipas ng panahon. Without fresh humans to eat, they'll die of starvation."



Napakurap-kurap si Yuan. Hindi niya malaman kung paanong ipoproseso ang bagong impormasyon na narinig. Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa katotohanang tao pa din ang mga zombies na hinihintay na lamang mamamatay sa gutom.



"Ang main goal ng Crescent ay mawala ang overpopulation sa bansa. The less people to rule, the easier the ruling would be. Plus, the leader thinks that life would be better with lesser people to divide all resources with. He firmly believes that this is all for the betterment of Philippines."



Hindi gumalaw ang dalaga pero bumalik kay Dr. Vergara ang tingin ng kanyang mga mata. "And I thought you don't know what the reason is."



"I'm sorry." Napayuko ang matandang doktor. "Naisip kong walang tutulong sa akin kung malalaman ninyong isa ako sa dahilan kung bakit nagkaganito ang buong bansa."



Napasandal na lamang si Yuan sa kinauupuan. Wala sa sariling napatingala siya sa kisame. Napakadami niya nanamang iniisip pero nangingibabaw doon ang katotohanang hindi siya sigurado kung totoong ligtas na sila.




*****



"Yuan, wake up! Wake up! We need to go!"



Napabalikwas ng bangon ang dalaga noong marinig na marahas na bumukas ang pinto ng kanyang silid. Ilang buwan din mula noong huling beses na gumalaw ng kusa ang katawan niya dahil sa magkahalong kaba at antisipasyon sa kung anong mangyayari.



Nagmamadaling lumapit sa kama ang humahangos na si Kevin. Bakas sa mukha nito ang takot. "Get yourself ready. Aalis na tayo dito."



"Why? What's happening?" tanong ni Yuan habang pinapanood ang binata na maghalungkat sa isang cabinet.



"They're here," walang lingon at hinihingal na sabi ng binata.



Magtatanong sana ulit ang dalaga noong bigla na lamang nagpatay-sindi ang ilaw sa loob ng silid. Napatingala siya doon kasabay ng pagbagal ng kanyang paghinga at pagkuyom ng kanyang mga palad. Kasunod pa niyon ay nakarinig siya ng tunog ng mga helicopters na tila dumaan mismo sa bubong ng lumang ospital. Bahagya pang umuuga ang buong gusali noong sinundan niya ang tunog at napalapit siya sa bintana.



Napaawang ang bibig ni Yuan matapos hawiin ang kurtina. Medyo madilim pa sa labas pero malinaw niyang naaaninag ang lahat dahil sa malaking apoy na kumakalat sa magkakatabing gusali sa di kalayuan. Kitang-kita niya ang mga taong nagtatakbuhan kasabay ng pag-ulan ng mga bangkay mula sa mga helicopter.



"Wear this. Come on." Ipinatong ni Kevin ang isang jacket sa balikat ng dalaga. Walang sabi-sabing lumuhod din siya sa harap nito at isinuot sa mga paa nito ang sarili nitong rubber shoes.



Matapos itali ang mga sintas ng sapatos ni Yuan ay agad na tumayo si Kevin. Magsasalita sana siya pero natigilan siya ng makita ang apoy na nag-rereflect sa mga mata ng dalaga.



"Kevin, get me a weapon," wala sa sariling nasabi ni Yuan.



"No," ani Kevin dahilan para mapalingon sa kanya ang dalaga. "I'm done watching you risk your life, Yuan. All you have to do right now is come with me and be safe."



Hindi na nakapagsalita pa si Yuan noong hinila siya ni Kevin palabas ng silid. Nakasalubong nila sa hallway si Dr. Vergara na bitbit ang isang briefcase na naglalaman ng antidote. Tuluyan ng namatay ang lahat ng ilaw sa buong gusali habang patakbo nilang binaba ang hagdan. Hindi sila nag-aksaya ng kahit ilang segundo para makalabas ng lumang ospital.



Isang napakaingay na paligid ang sumalubong sa tatlo. Kabilaan ang sigaw ng mga taong natatakot at nasasaktan. Napakurap-kurap si Yuan at wala sa sariling napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Kevin.



"Dito! Bilis!" sigaw ni Dr. Vergara at nauna ng tumakbo habang yakap ang kanyang briefcase.



"Don't worry." Pilit na ngumiti si Kevin sa dalaga. "Papalayo tayo sa bayan kaya wala tayong makakasalubong na kahit ano."



Naluluhang nagpahila na lamang si Yuan. Hindi siya makapaniwala sa sarili na tumatakbo papalayo sa mga taong pwede niyang tulungan. Naramdaman niya nanamang mahina siya. Bumalik nanaman siya sa dating Yuan na palaging walang magawa para baguhin ang nangyayari sa kanyang paligid.



Namalayan na lamang ng dalaga na nakalayo na sila noong marinig niya ang tunog ng mga naghahampasang alon. Puro nagtataasang puno pa ang nakikita niya pero sigurado siyang malapit na sila sa baybayin. Hinihingal na siya pero ayaw niya ding maging dahilan ng kanilang paghinto. Buong akala niya ay handa na siya ulit para sa aksyon pero mukhang mas mabilis bumigay ang katawan niya ngayon.



Nagpatuloy sila sa pagtakbo sa kakahuyan. Mas mahaba ang tinatahak nila kumpara sa karaniwang daan, pero mas ligtas ito lalo pa at natatakpan sila ng mga puno mula sa taas.



"Mukhang hindi pa sila nakakalapit sa Itbayat," ani Dr. Vergara sa gitna ng pagtakbo. Pansin niyang kanina pang tahimik ang nag-iisang babaeng kasama niya. "Nakarinig ako ng mahihinang putok kanina. Ginagawa ng mga sundalo doon ang trabaho nila."



Napapalingon pa rin si Yuan sa direksyong pinanggalingan nila ng hilahin ulit siya ni Kevin. "Uuwi ka na sa pamilya mo, Yuan. You're gonna see them again."



"Here! Here!" sigaw ulit ni Dr. Vergara. Nagpalingon-lingon siya sa paligid. "Nasaan ang bangka natin?!"



"Keep it low, Doc. Baka mamalayan nilang may tao dito," paalala ni Kevin.



Humahangos na inilibot din ni Yuan ang tingin sa paligid at napagtantong nasa isang maliit na daungan sila. Hinayaan niya si Dr. Vergara na hanapin ang bangkang de makina na kanilang gagamitin. Hawak pa rin ang kamay ni Kevin, napatingala siya sa kalangitan na imbes na lumiwanag dahil sa papasikat nang araw, ay nababalot ng makakapal at maiitim na usok.



"Wait. Nasaan ang van?"



Napalingon din si Yuan ng marinig ang tanong ni Dr. Vergara. Pinanood niyang itutok ng matanda ang kunot-noong tingin sa isang maliit na area na nagsisilbing parking lot. Lumingon din siya at nakitang walang kahit anong sasakyan na naroon.



"Jesus, they're here," nanlalamig na bulalas ng doktor sa napagtanto.



"W-Who?" kunot-noong tanong ni Yuan. Hahakbang sana siya palapit pero naramdaman niya ang paghigpit ng kapit ni Kevin sa kanyang kamay. Lilingunin niya sana ang binata pero nakuha ng sunod na sinabi ni Dr. Vergara ang kanyang atensyon.



"Si Manong Jules lang ang may hawak ng susi ng van, diba?"



Napaawang lamang ang ibabang labi ng dalaga noong binigyan sila ng matanda ng nagtatanong na tingin. Si Kevin naman ay hindi gumalaw at napalunok na lamang. Nakikita niya na ang susunod na mangyayari at hindi niya iyon gusto.



"Pero friday pa lang ngayon," sabi pa ng doktor. "At kung kukuha sila ng pagkain, saan? Eh nasusunog na ang palengke."



Tuluyang naintindihan ni Yuan ang nangyayari. Bukod sa konsensyang kanina pang lumalamon sa kanyang sistema, naisip niya agad ang mga taong ilang buwan niyang pinilit na mailigtas. Higit sa lahat, may isang tao na sigurado siyang kasama ng mga ito at ipinagpapatuloy ang laban para maprotektahan ang lahat.



"Yuan, no..." Halos magmakaawa si Kevin noong unti-unting bumitaw sa kanya ang dalaga. "Yuan, you're going home. Please."



Tinignan lamang saglit ni Yuan si Kevin bago siya nagmamadaling tumakbo pabalik.

;

2025: The Second HalfWhere stories live. Discover now