Kabanata 2

8.9K 266 49
                                    

Clyde

Napabalikwas ako sa kinahihigaan ko ng gisingin ako ni nanay. Nagulat pa nga ako dahil ang aga aga palang at halos hindi pa sumisikat ang araw at tumitilaok ang mga manok ay gising na sila.

Ano bang meron?.

"Anak mag bihis kana pupunta tayo sa hacienda" puna ni nanay.

"Bakit po nay?ano pong meron sa hacienda?" Takang tanong ko.

Mamaya pa naman ang trabaho sa farm at sa hacienda kaya bakit ang aga naman yata nilang mang gising ngayon?

"Uuwi ang apo ni Don Patricio kaya nais niyang salubungin natin ang apo niya sa isang salo salo"

Owe may apo pala si senior patricio?

Ang akala ko kasi ay silang dalawa lang ng yumaong si seniorita Esmeralda ang natitira sa pamilyang Calberon nagkamali pala ako ron.

"Nay ayos lang po ba kung hindi na po muna ako sasama sa salo-salo?susunod nalang po ako bukas ng umaga inaantok pa po kasi talaga ako" hayag ko rito.

"Naku! ikaw talagang bata ka sumumpong nanaman yang katamaram mo" naiiling nitong sabi.

"Sige na nay please babantayan ko narin po si janjan" pagpapacute ko rito.

"Hay sige na nga basta bantayan mo ang kapatid mo ha" bilin nito.

Napa yes naman ako sa sagot niya. Hindi talaga ako natitiis ni nanay haha.

"Opo nay ako na pong bahala sakanya" ngiti kong hayag dito.

"Kung ganon ay tutuloy na kami ng itay mo, maiwan nakita dito sumunod ka nalang mamaya"

"Opo nay" sagot ko rito bago niya tuluyang isara ang pintuan ng kwarto ko.


Ako nga pala si Clyde Valdemor isa sa anak ng pinagkakatiwalaan ni senior patricio na taga bantay ng farm at hacienda.

Matagal na ang mga magulang ko rito at halos dito narin ako lumaki kasama nitong bunso kong kapatid na mag pipitong taon na sa susunod na buwan.

Masaya kami kahit na hindi kami mayaman ang mahalaga naman kasi samin ay nakakakain kami tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral itong kapatid ko dahil yon lang ang maibibigay nina nanay at tatay para samin.


Nag-aaral din ako ngayon sa kolehiyo BSBA ang kursong kinuha ko at ipinangako ko sa sarili ko na magtatapos ako ng pag-aaral para maitaguyod ang pamilya ko sa hirap.

Bisexual ako at alam iyon ng mga kasamahan namin dito sa hacienda hindi naman big deal yon dahil babae parin naman ako sa paningin nila.

Saktong sakto lang ang katawan ko para sa isang 21 years old na babae. May mahaba akong buhok na abot hanggang balikat ko kulay itim din ang aking mga mata ngunit kapag nasisinagan ng araw ay nagiging berde.

Hindi rin namin maintindihan kung bakit ganon ang lumilitaw sa mata ko pero sinabi naman ng doctor na normal yon at wala namang problema sa mga mata ko dahil nabasa korin sa google na pwde rin palang mapalitan ang kulay ng mata ng isang tao.

Tumutulong ako kina inay at itay sa pagtatarabaho dito sa hacienda pero hindi madalas dahil may problema din ako sa skwela at hindi ako pwdeng magpagod dahil mahina ang puso ko.

Bata palang ako ay may sakit nako sa puso kaya hindi ko pwdeng pwersahin ang katawan ko.


Hindi ako pwdeng makaramdam ng napakalalang lungkot at stress na magdudulot ng sobrang pangamba sakin dahil baka matuluyan ang puso ko na hindi na tumibok at ma teggy nalang ako bigla.

Filipina Girl GxG (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon