XI. Like Any Great Love: Sa Kabila ng mga Pagbabago

197 81 37
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

HER P.O.V.

(Mirasol Leonore Rivera)

🌻🌻🌻

Napangiti ako nang sipatin ko ang kalangitan. Mayabang na tumutunghay si haring araw kasabay ng malamig na simoy ng hangin. Ito ang maganda sa Hacienda Rivera— hindi matatawaran ang sariwang hangin na 'yong malalanghap.

"Mirasol! Francisco!"

Mas lumawak ang aking ngiti nang marinig ko ang matinis na tinig ni Nerissa. Kumakaway siya sa amin habang naroon na rin ang iba naming kaibigan.

"Dalawang taon din mula nang huli kong makita si Isay, pero nakakairita pa rin ang malakas niyang boses," reklamo ni Herardo na nasa gilid ni Francisco. Dala niya ang isang buslo na naglalaman ng mga tinapay na binili ni Manang Elena kanina sa tindahan ni Ka-Roel para sa pagkikita-kita naming magkakaibigan ngayon.

Natawa ako sa tinuran niya ukol kay Nerissa na mas tinatawag naming Isay dahil nagwawala ang kaibigang kong iyon kapag tinatawag siya sa kaniyang ngalan.

"Kapag sinabi mo 'yan sa kaniya tiyak na mag-aaway na naman kayo ni Ericson," nakangisi kong sagot kay Herardo na ang tinutukoy ay ang nobyo ni Isay.

"Para namang natatakot ako kay Ericson. Pareho kaming sundalo. Nauna lang siyang nakabalik sa Pilipinas pero pareho kaming ligtas na nakabalik. Hindi ba Francisco?"

Sabay kaming napatingin ni Herardo kay Francisco. Kanina pa siya tahimik, tila may malalim siyang iniisip. Mula nang sunduin nila ako ni Herardo mula sa aming tahanan, malimit ang kaniyang pagsasalita.

"Ha? Ah... Oo. Tama ka," pangsang-ayon niya pero halata namang wala siya sa kaniyang sarili.

"Herardo, dalhin mo na ang mga tinapay sa kanila para maihain na nila Jen," pakiusap ko at mukhang naintindihan naman niyang may nais kaming pag-usapan ni Francisco.

Tiningnan niya pa ang aking kasintahan at nagpatiuna nang naglakad papunta sa mga kaibigan namin na nakap'westo sa ilalim ng lilim ng malaking puno ng Narra na malapit sa abakahan ng Hacienda Rivera.

Nang kami nalang ni Francisco, kaagad ko siyang hinarap.

"Ayos ka lang?"

Sandali niya akong tinititigan bago kiming ngumiti.

"Oo naman. Parang ang tagal lang kasi no'ng huli kong nakita ang mga kaibigan natin." At nagkibit balikat siya. "Alam mo 'yon? Hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan."

Naunawaan ko naman ang nararamdaman niya.

"Huwag kang mag-alala, mahal. Matagal man kayong nawala ni Herardo... Hindi naman tumigil ang pagkakaibigan nating lahat. Katulad ko, lahat sila ay naniwalang makakabalik kayong dalawa," ani ko bago ko hinaplos ang kaniyang pisngi. "Kaya nga nagkita-kita tayo ngayon. Ito ay paraan namin upang ipagbunyi ang inyong pagbabalik."

Like Any Great LoveWhere stories live. Discover now