I. Like Any Great Love: Iniinda ang Lahat

534 160 394
                                    

Pahayag ng Pagtanggi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pahayag ng Pagtanggi

Ang mga susunod na mangyayari ay naglalaman ng mga konsepto at kaisipang maaaring makaapekto sa emosiyonal at mental na aspeto ng mambabasa.
Hangad kong ipaalala na ito'y likhang isip lamang kung kaya't sana'y manatili lamang itong ganoon.
Buksan ang isipan at lawakan ang pang-unawa.

***

HIS P.O.V.
(Franz Rafa Magsalin)

🌻🌻🌻

Kaagad kong ininda ang balang tumama sa tuhod ko. Nabuwal ako mula sa pagkakatayo dahil sa tama na iyon. Napasigaw ako sa sakit nang tamaan muli ako ng bala sa bandang likod ng balikat ko. Gumapang ako patungo sa madamong bahagi ng lugar upang makaiwas sa sunod-sunod na barilan.

Napahawak ako sa balikat ko na naging dahilan upang makita ko ang dugo na tumatagas mula ro'n. Ang sakit! Sobrang sakit!

"Francisco! Yumuko ka! Nasaan ang baril mo?!"

Nabaling ang tingin ko sa lalaking nasa aking tabi. Nakadapa siya sa damuhan at may hawak na baril. Nakaasinta ang baril niya sa kabilang panig. Kagaya ko ay nakasuot siya ng uniporme ng sundalo. May watawat ng Amerika ang uniporme niya ngunit nakakapagsalita siya ng Filipino.

"Fire!"

Napatakip ako ng mga tainga ko nang mula sa kalangitan ay nagbagsakan ang mga sunod-sunod na bomba. Napakalakas ng mga pagsabog. Pinanood ko ang mga kapuwa ko sundalo na tumilapon at nawalan ng buhay dahil sa mga pagsabog.

"Francisco! Dumapa ka! Mag-ingat ka!" At hinila niya ako upang mapadapa at maitago sa tuloy-tuloy na palitan ng mga putok mula sa magkabilang panig.

Nabaling ang tingin ko sa tangkeng pangmilitar na nakatutok ang kanyon sa aming direksyon. Sunod ay ang maiingay na tunog mula sa mga helicopters at mga fighting jets na nasa himpapawid.

"May babagsak na bomba sa gawing ito, Francisco! Tumayo ka riyan! Kailangan nating lumipat!" At kaagad akong tinapik sa balikat ng katabi kong sundalo na kanina pa ako tinatawag na Francisco.

Like Any Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon