VII. Like Any Great Love: Ang Pagtitipon!

277 109 136
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

HER P.O.V.

(Mirasol Leonore Rivera)

🌻🌻🌻

"Mirasol! Bakit ba napakatagal mo? Nandito na ang iyong Kuya Fernando!" At pumasok sa aking silid si mama.

Nakabihis siya ng kulay asul na saya na may nakakaagaw pansing mga disenyo ng bulaklak. Habang ang itaas na bahagi ng kaniyang damit ay kulay asul din at hanggang siko ang haba ng manggas. May suot siyang puting balabal at maliit na sumbrero sa ibabaw ng kaniyang nakapusod na buhok. Pinaresan ang kabuuang itsura ng aking ina ng may taas na kalahating pulgada na sandals. At hindi nakaligtas sa akin ang mga porselas sa kaniyang palapulsuhan.

"Mirasol! Bakit ba natutulala ka riyan? Hindi ka pa nakakapag-ayos ng iyong buhok!" At nagmamadaling nilapitan ako ni Mama.

Salungat ng aking ina, hindi ako palaayos. Sapat na sa akin ang normal na saya at kamiseta. Hindi ako sanay sa magagarang kasuotan.

"Mama, hindi ko nais magsuot ng kolorete sa mukha. Nangangati ang aking balat," apila ko nang iharap ako ng aking ina sa kaniya upang malagyan ng kolorete.

Ngunit, tila naging pipi si Mama sa aking pakiusap. Itinuloy niya pa rin ang paglalagay ng kolorete sa akin. Napapikit nalang ako nang dampian niya ng pulbos na nakakabahin ang aking mga pisngi. Isinunod niyang bigyang kulay ang aking mga labi.

"Itigil mo ang pagsimangot, Mirasol! Hindi magandang tingnan." At pinanlakihan pa ako ng mga mata ng aking ina.

Kasabay ng pagsakop ng bansang Amerika sa Pilipinas ay ang pagsakop nila sa kaisipan ng mga Pilipino. Kasama rito ang bagong pamantayan sa kagandahan ng mga kababaihan. Matatawag kang maganda kung palaayos ka, nakasuot ng magarang kasuotan at may kolorete sa mukha. Ngunit hindi ako naniniwala sa kaisipang ito. Puro lamang ito kaartehan at walang saysay. Sapagkat lahat naman ng babae ay maganda.

Sabay kaming napalingon sa pintuan ng aking silid dahil sa mahihinang na katok. Sunod ay pumasok si Makang, ang aking pamangkin. Anak siya ni Kuya Fernando.

Napangiti ako nang mapansing bagay kay Makang ang suot na luntiang bestida. Palobo ang mga manggas nito at umaabot ang haba sa kaniyang mga tuhod. May pulang laso pa sa kaniyang kulot at maikling buhok.

"Makang? Nasaan ang iyong ama?" kaagad na tanong ng aking ina habang abala siya sa pagpupusod ng aking buhok.

Napapikit pa ako nang gamitin niya ang isang kemikal na tinatawag ng mga kano na spray net sa aking buhok upang mapatigas ang mga hibla nito. Nang sa gano'n ay hindi bubuhaghag sa kainitan ng araw.

"Grandma... Dad is looking for you and Auntie Mirasol. He's a bit irritated now," ani ni Makang bago siya lumapit sa amin at naupo sa aking kama.

Napairap naman ako sa pagsasalita niya ng Ingles. Halos lahat ng kabataan ngayon ay mas marunong pang magsalita ng Ingles sa halip na Tagalog. Nakakairita sa tainga.

Like Any Great LoveWhere stories live. Discover now