V. Like Any Great Love: Bintana ng Bagong Pag-ibig

347 125 187
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

HER P.O.V.
(Mirasol Leonore Rivera)

🌻🌻🌻

"Mirasol! Nahuli ka yata ngayong araw?" salubong sa akin ni Jenelyn pagkarating ko sa kamalig kung saan ay nagpapahinga ang ilang trabahador ng Hacienda Rivera.

Sinuklian ko naman ng ngiti ang bawat pagbati ng mga manggagawa sa akin. Tinanguan ko pa sila Mang Kanor na kumakain ng tanghalian.

Tirik ang araw kapag ganitong nangangalas dose sa Hacienda Rivera kung kaya't narito sa kamalig ang ilan sa mga manggagawa ng pinyahan. Araw-araw akong dumadalaw para masiguradong maayos ang trabaho at lagay ng mga manggagawa sa aming Hacienda. Ito na rin kasi ang pinagkaabalahan ko mula noong napagdesisyunan kong huwag nang tumuloy sa kolehiyo.

"Bakit ka nahuli ngayong araw? Lagpas tatlumpung minuto na makalipas ang alas dose."

Ibinaling ko ang aking tingin kay Jenelyn sa naging tanong niya. Iniabot niya sa akin ang buslo na naglalaman ng mga tinapay na ipinamimigay sa mga trabahador ng hacienda. Tinulungan ko rin naman siya sa pamamahagi ng mga tinapay bago ko sinagot ang kaniyang tanong.

"Maaga ang naging uwian ngayon nila Makang dahil hindi pumasok ang kanilang guro. Kinailangan kong sunduin ang makulit na pamangkin kong iyon bago dumiretso rito sa Hacienda," paliwanag ko bago ko nginitian si Mang Kanor na tinanggap ang tinapay na binigay ko.

Nang matapos sa pamamahagi ng mga tinapay ay saka ko naman iniligpit ang buslo at ilang kagamitan para sa paghahabi. Sunod ko naman kasing pupuntahan ang mga kababaihan sa kabilang kubo na abala naman sa paghahabi.

Matapos kong maayos ang mga gamit para sa paghahabi ay binalingan ko si Jenelyn. Natigilan ako nang mapansin ko ang pulang blusa niya na tinernuhan ng magarang saya.

"Waring may pupuntahan ka matapos  nating pumunta kila Manang Nena," komento ko. Si manang Nena ang nagtuturo sa mga kababaihan ng bayan namin na nais matutong maghabi upang maging kanilang kabuhayan.

Kaagad nag-iwas ng tingin si Jenelyn at tila nahiya. Tinakpan niya pa ang kaniyang mukha ng abaniko. Napataas naman ang kilay ko nang aking mapansin ang hawak na abaniko ng aking kaibigan. Kakaiba ang burda nito at halatang mamahalin.

Mukhang napansin niya naman ang aking mapanuring tingin sa kaniyang hawak at kaagad natawa.

"Ito'y regalo sa akin ni Stephen. Namanhikan na sila sa aming tahanan kahapon, Mirasol!" At saka niya ipinakita sa akin ang kaniyang kaliwang kamay na may suot nang singsing. Napaawang ang aking labi bago nakangiting niyakap si Jenelyn.

Like Any Great LoveWhere stories live. Discover now