IV. Like Any Great Love: Ako na si Francisco

399 133 281
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

HIS P.O.V.

(Franz Rafa Magsalin as Francisco)

🌻🌻🌻

"Ma-magsalin ang apelyido ko?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang malaking pagkakahawig ng buong pangalan namin ni Francisco. Bukod do'n ay pareho pa ang aming apelyido.

"Oo. Anak ka ng dating sundalo na si Don Rafael Tomas Magsalin. Dahil retirado na ang iyong ama, siya ay nagsisilbi na ngayon kay Gobernador Heneral Harrison na pinili mismo ni Presidente Wilson ng Amerika upang maging tagapamahala ng Pilipinas," paliwanag ni Herardo.

Ako naman ay hindi makapaniwala sa pamilyang pinagmulan ng Francisco na ito na siyang may-ari ng katawang kinalalagyan ko. Kung gano'n, masasabi mong mataas ang katungkulan ng ama ni Francisco sa gobyerno ng Pilipinas.

"Mayaman ba kami?" tanong ko kay Herardo na kaagad natawa.

"Walang duda, Francisco. Ang iyong ama, si Don Magsalin, ay direktang naglilingkod sa gobernador heneral."

Napatango-tango naman ako sa tinuran ni Herardo. Bigla ay napaisip ako sa kung anong buhay ang babalikan ko sa Pilipinas. Ayon kay Herardo ay dalawang taong nasa coma si Francisco. Masiyadong matagal iyon at tiyak na madami na ang nagbago.

"Maaari kang magtanong ng kahit ano sa akin, Francisco. Handa akong sagutin ang lahat sa abot ng aking makakaya," nakangiting turan ni Herardo bago tumayo na mula sa pagkakaupo sa stool na nasa tabi ng kama ko. "Gusto mo ba ng mansanas? Ipagbabalat kita."

Hindi ko naman maiwasang pasadahan ang suot niyang uniporme. Sundalo siya ng Amerika kahit siya ay isang Pilipino. Bakit naman gano'n?

"Dalawang taon akong tulog, hindi ba?"

Ikinalingon ni Herardo ang naging tanong ko. Natigil siya sa ginagawang pagbabalat ng mansanas.

"Oo. Halos mawalan na ako ng pag-asa sa tagal ng dalawang taong iyon. Marami nga ang nagsabing maaaring hindi ka na raw gumising. Ngunit pinanghawakan ko ang pangako natin sa isa't isa bago tayo sumabak sa digmaang iyon." At nakangiting itinuloy niya ang ginagawang pagbabalat ng mansanas.

"Pangako?"

"Pinangako nating dalawa na pareho tayong makakabalik sa Pilipinas mula sa digmaang iyon kahit anong mangyari."

Napangiti ako sa sinabi ni Herardo. Mukhang malalim talaga ang pagkakaibigan nila ni Francisco.

"Kaya ba hindi ka pa bumalik sa Pilipinas? Dahil hinintay mo akong magising?" Natigilan siya sa sinabi ko at pansamantala akong tinitigan. Sandali naman akong nailang dahil parang sinusuri niya ako. Pagkaraan ay tumango siya bilang sagot sa tanong ko. "Salamat, Herardo."

Like Any Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon