VIII. Like Any Great Love: Muling Pagkikita!

307 101 121
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

HIS P.O.V.

(Franz Rafa Magsalin as Francisco)

🌻🌻🌻


"'Wag kang kabahan, Francisco. Nasa Los Baños na muli tayo, ang lupang ating sinilangan. Wala nang dapat ipag-alala," sabi ni Herardo habang diretsong nakatayo sa gilid ko.

I heaved a deep long sigh before I nodded with Herardo's reminder. Binigyan ko pa siya ng pilit na ngiti bumaba ang tingin ko sa aking suot na uniporme na may bandila ng Amerika. Kung titingnan akong mabuti, mukha talaga akong sundalo. Nakakaewan lang na sundalo pala ako sa nakaraang buhay ko 'tapos sa hinaharap, mabubully lang pala ako at magiging isang malaking katatawanan ng iba.

Nakahilera kaming anim, ako, si Herardo at ang apat pang ibang Pilipinong sundalo na nagawang makaligtas sa gerang naganap mula sa Europe. Sabi ni Officer Howard, ang Amerikanong sundalo na nangasiwa sa pagbalik namin sa Pilipinas, kaming anim na ang huling mga sundalong nakabalik.

Matagal ang naging byahe mula sa kampo ng mga Amerika sa New York pabalik sa Pilipinas. Pagkarating namin ay may maliit na eroplano namang sumundo sa amin upang ihatid sa Los Baños kung saan may pagtitipong inihanda ang isang Senador para sa aming pagbabalik.

Pangarap kong makapunta sa USA, pero hindi sa panahong ito. Napakaluma ng lahat. Kaya hindi rin sulit ang halos tatlong buwan na nanatili kami nila Herardo sa Amerika para tuluyang makarecover dahil hindi naman ako nag-enjoy. Ang luma kasi talaga ng lahat.

"Soldiers! Welcome back to the Philippines! I am very glad that all of you are safe and finally recovered now. Your comrades will be very happy to see the six of you," bati ng isang lalaki na makisig ang tindig at nakasuot ng amerikana.

May maliit din siyang bigote at suot na sumbrero. Kamukha niya si Charlie Choplin. Pinigil ko ang sariling matawa dahil sa aking naisip at ginaya sila Herardo na sumaludo ro'n sa lalaki.

Hindi ko alam kung sino siya pero foreigner siya at mukhang may mataas na katungkulan.

"I bet you're happy to finally see you son again, Mr. Magsalin," ani ni Charlie Choplin do'n sa may edad ng lalaki na nakatayo sa gilid niya.

Natigilan ako.

Son? Mr. Magsalin?

Nabaling ang tingin ko sa matandang lalaking kausap no'ng foreigner at doon ko napansin ang pagkakahawig niya sa namatay ko nang tatay.

The old man's eyes are looking directly at me. I could see his tears on the verge of falling. Pero mukhang pinipigilan niyang maiyak.

"After two years... I'm just glad that my son came back. I will be forever thankful to the American's government for saving my son, Governor General Harrison," tugon naman no'ng matandang lalaki bago siya ako tinanguan at binigyan ng ngiti.

Like Any Great LoveWhere stories live. Discover now