IX. Like Any Great Love: Nakakapanghina ng Tuhod

212 90 85
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

HIS P.O.V.

(Franz Rafa Magsalin as Francisco)

🌻🌻🌻

"Maaari ba kitang maisayaw, Binibining Mirasol?" tanong ko sa kaniya nang matapos ang naging pagkain namin.

Well, the governor general asked Don Rivera and his wife to stay on our table. Kaya kasabay na rin naming kumain sila Mirasol at ang mga magulang niya.

Sandaling natigilan si Mirasol dahil za alok ko. Nailang naman kaagad ako. Gets niya na bang hindi ako si Francisco?

Pasimple ko namang nilingon si Herardo na nasa tabi ko at kanina pa ako kinukulit na ayain ko raw na magsayaw si Mirasol. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata nang hindi nakasagot si Mirasol sa tanong ko.

"Lumapit ka kasi sa kaniya at ialay mo ang 'yong kamay," bulong ni Herardo bago niya ako siniko sa tagiliran. "Gano'n manghingi ng sayaw sa isang binibini. Pati ba naman 'yon ay nakalimutan mo?" inis niya pang sabi.

Grabe. Napaka-conservative pala ng panahong ito. Pasensya naman. Sa mundong pinanggalingan ko, madali lang namang humingi ng pabor mula sa mga babae.

Gaya ng sinabi ni Herardo, tumayo ako mula sa aking upuan at nagtungo sa gawi ni Mirasol. Yumukod ako nang bahagya sa harap niya bago inilahad ang kamay ko sa kaniyang tapat. Hindi nakaligtas sa akin ang tingin ni Mario Jose, halatang may inggit ang tingin niya sa akin. Tss. Mukhang may gusto pa nga ang isang 'to kay Mirasol.

Mirasol smiled at me before she accepted my hand. Magkahawak kamay kaming nagtungo sa dance floor kung saan may ibang pares ding nagsasayaw.

Huminga ako ng malalim nang inilagay ko ang aking kamay sa baywang ni Mirasol 'tapos ang isang kamay ko naman ay hawak ang kaniya. Napalunok ako nang pumalibot sa batok ko ang isa niyang kamay 'tapos ay nakangiting tumingin siya sa mga mata ko.

This is the closest distance I've been with a girl. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at talagang nahihiya ako. Sobrang ganda kasi ni Mirasol at pakiramdam ko hindi bagay ang itsura ko sa kaniya.

She looks like a princess with her dress and the way her hair was tied in a bun. Maganda ang mga mata, katamtaman ang tangos ng ilong niya at napakanipis ng labi niya. Kung ang ibang babae na nakita ko kanina ay nagmukhang clown dahil sa make up nila, para sa babaeng nasa harapan ko, mas tumingkad lamang ang ganda niya.

"Mukhang sobra kang nangulila para sa akin, Ginoong Francisco. Nakakatunaw ang paraan ng 'yong pagkakatingin," sabi niya na nagpabalik talaga sa akin sa huwisyo.

Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at ipinokus ito sa sahig habang patuloy kaming sumasayaw. Narinig ko namang natawa siya. Shet ka, Franz! Nakakahiya ka! Baka isipin niya minamanyak mo siya.

Like Any Great LoveWhere stories live. Discover now