X. Like Any Great Love: Wala Nang Atrasan

203 90 66
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

HIS P.O.V.

(Franz Rafa Magsalin as Francisco)

🌻🌻🌻

"Anong gagawin ko, Herardo? Kinakabahan ako."

At napabuntong hininga ako habang pinakatitigan ang aking repleksyon sa harap ng salamin. Nakatayo ako sa harap nito at kanina pa tinitingnan ang kabuuan ng itsura ko. I am wearing a white long sleeves and flattened slacks. Nakablack shoes din ako.

Napapasimangot ako sa aking itsura kasi 'di naman ako ganito manamit. Dahil sa suot ko, mas nagmukha akong tatlong taon na mas matanda kaysa sa tunay kong edad. Bakit ba kasi hindi pa uso ang fitted jeans sa panahong ito?

Iginalaw galaw ko pa ang paa ko dahil sa sobrang luwag ng suot kong pantalon. Ano ba naman ito?

"Ano bang ginagawa mo, Francisco? Maayos naman ang 'yong kasuotan. Alam mo bang isa 'yan sa pinakamahal na pantalon ngayon?"

Natigilan ako sa sinabi ni Herardo. Seryoso? Pinakamahal na ito? E ang mga ganitong klase ng pantalon sa 2020, nasa ukayan lang.

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko talaga gusto ang suot. Napapangitan ako.

"Sa tingin mo magugustuhan ito ni Mirasol? Para akong lolo sa suot ko, Herardo."

Natawa si Herardo dahil sa sinabi ko. Ako naman ay bagsak ang balikat na tinalikuran ang salamin dahil baka kapag hindi ako nakapagtimpi, mahampas ko na 'to. Nakakainis talaga ang itsura. Ang pangit!

"Tigilan mo na ang kakatawa r'yan. Kita mo nang namomroblema na ako e. Anong gagawin ko 'pag nando'n na ako sa bahay nila Mirasol? Hindi pa ako kumportable sa pamilya niya. Hindi ko sila maalala." At ginulo ko pa ang buhok ko bago naupo sa kama kung saan prenteng nakaupo si Herardo.

Kapag hindi ako nag-ingat, talagang malalaman ni Mirasol na iba ako sa boyfriend niya.

"Hindi ka pa pala handang pakisamahan ang pamilya niya... Bakit ka kasi niya napapayag na pumunta sa bahay nila ngayon? Ano bang nangyari sa pagtitipon kahapon?" tanong niya na ikinatigil ko naman.

Napalunok ako at kaagad nag-iwas ng tingin kay Herardo. Ewan ko pero biglang uminit ang paligid nang maalala ko ang paghalik ko kay Mirasol.

Bakit ko nga ba ginawa 'yon? Aish! Hindi ko dapat ginawa 'yon!

"Hoy Francisco! Kinakausap kita," at tinulak niya pa ang aking balikat. "Huli ko kayong nakita na nagsasayaw na dalawa 'tapos bigla nalang kayong nawala. Saan kayo nagpunta ni Mirasol?"

Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi at napangiti nang maalala ang mukha ni Mirasol no'ng hinalikan ko siya.

Normal ba sa lalaki ang kinikilig? Kasi kinikilig talaga ako kapag naalala ko ang halik na 'yon. Bumibilis ang tibok ng puso ko at talagang sobrang saya ko.

Like Any Great LoveWhere stories live. Discover now