ii. Like Any Great Love: Prologue

600 172 360
                                    

***

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

***

Like any great love, you'll keep on guessing until you find that one person who will make you feel the greatest and unexplainable type of happiness.

***

HER P.O.V.
(Mirasol Leonore Rivera)

1920

🌻🌻🌻

"Mirasol! Nakikita mo ba ito? Napakaganda ng bulaklak na ito, hindi ba?"

Napangiti ako sa tinuran ni Manang Elena, ang nakatatanda kong kapatid habang malawak ang ngiting ipinapakita ang bulaklak na kaniyang hawak. Ito ang unang beses na nakita ko ang bulaklak na iyon— malaki at patong-patong ang maliliit na talulot ng dilaw na bulaklak na nakapalibot sa itim nitong sentro. Hindi katulad ng normal na bulaklak, hindi matamis na nektar ang nasa gitna ng nito kung hindi itim na butil na tila mga buto.

"Galing ba iyan kay Don Gallardo? Iyan ba ang pasalubong niya mula sa Mehiko?" Natawa ako nang kaagad mamula ang mga pisngi ng aking kapatid.

"Pinagkakatuwaan mo na naman ako, Mirasol. Tandaan mo at ako pa rin ang mas nakatatanda sa ating dalawa," tugon niya sa akin na sinuklian ko lang naman nang pagtawa. Palabiro si Manang Elena pero mabilis siyang mainis kapag sa kaniya na nababaling ang panunukso.

"Isang taon nang nanliligaw sa iyo si Don Gallardo. Wala ka namang nobyo at halata namang gusto mo rin siya. Kaya hindi ko maunawaan kung bakit hindi mo pa rin sinasagot ng oo ang pag-ibig na iniaalok niya sa iyo, Manang Elena." Tinaasan ko pa siya ng kilay bago ngumisi. "Nasa wastong edad ka na para mag-asawa. Ipinapaalala ko lamang."

Sumimangot sa akin ang aking kapatid dahil sa sinabi ko. Bagsak ang balikat na naupo siya sa bakanteng upuan sa aking tapat. Ipinatong niya ang dilaw na bulaklak sa ibabaw ng lamesa na pumapagitna sa aming dalawa. Pagkaraan, nangalumbaba siya na kaagad ikinalaki ng mga mata ko.

"Hoy! Kapag ika'y naabutan ni Mama Elena Leonore Rivera, hahampasin niya ng abaniko ang iyon braso dahil sa pangangalumbaba mo. Malas iyan!"

Inirapan ako ni Manang Elena sa halip na matinag sa aking babala. Binigyan niya pa ako ng malawak na ngisi.

"Wala naman si Mama kaya hindi niya makikita." Inilabas niya pa ang kaniyang dila na parang bata. "Isa pa, ipaaalala kong muli sa iyo Mirasol Leonore Rivera, mas matanda ako sa iyo ng tatlong taon. Kaya baka nais mo namang magbigay pa ng kaunting galang sa akin." Saka niya ako pinanlakihan ng kaniyang mga mata na kaagad kong ikinatawa.

"Tatlong taon lang iyon. Igagalang kita kapag nagpakasal ka na. Kaya kung ako sa iyo, sasagutin ko na si Don Gallardo."

Kaagad siyang nag-iwas ng tingin mula sa akin. Nasundan iyon ng malalim na buntong hininga.

Like Any Great LoveWhere stories live. Discover now