Chapter 20 part 2

Start from the beginning
                                    

Walang kaalam-alam ang mag-ina na nakikinig si Alejandro sa pinag-uusapan nila. "Ako ang dapat sisisihin kung bakit may problema ka ngayon." 

Mabilis na napallingon si Jesica sa ama. "Daddy.." 

Umupo si Alejandro sa pang-isahang sofa na naroroon. "Kung hindi ko iniwan ang mommy mo hindi ka sana napahamak." 

"Hwag na tayong magsisisihan, nangyari na ang lahat ang mas makakabuti ay malutas ang problema na ito." sabad ni Lourdes.

"Aalamin ko kung sino ang naglagay ng drugs sa inumin ninyo." seryosong sabi ni Alejandro.

"Hindi yun ang solusyon Alejandro, ang mas makakabuti ay bigyan ni Jesica ng pagkakataon si Vincent."  nasabi na rin sa wakas ni Lourdes ang gusto niyang iparating sa anak.

"Mommy!" hindi makapaniwalang bulalas ni Jesica. 

"Yun ang nararapat Jesica, para sa anak mo." pagpapaintindi ni Lourdes.

"Wala ngang gusto ang anak mo sa lalaking yun, bakit ipagpipilitan mong buuin ang pamilya nila?" protesta rin ni Alejandro. 

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Ikaw ang may gusto noon na may makilalang ama ang apo mo." pagpapaalala ni Lourdes dito. 

Napansin na ni Jesica na ang mga magulang na ang nagkakabanggaan kaya pumagitna na siya sa mga ito. 

"Mommy, pag-iisipan ko po yang sinabi ninyo. Please give me enough time." 

"Ang mommy mo talaga lagi akong kinokontra." nakangiti ng turan ni Alejandro habang nakatingin sa asawa na nakasimangot. 

"Ako pa ngayon ang..." hindi na natapos nito ang sasabihin dahil humahangos na dumating si Manang Aning.

"Manang, anong nangyari?" sabay tayo ni Jesica para daluhan ang matandang katiwala. 

"S-Sir nandiyan po si ma'am Carmen, galit na galit at hinahanap kayo." mabilis na tugon nito. 

Napasinghap si Lourdes ng marinig ang pangalan na binanggit ni manang Aning. "Utang na loob Alejandro umalis ka na at isama mo ang babaeng yan. I don't want to see her." utos ni Lourdes sa asawa. 

Bago pa man nkatugon si Alejandro ay nakapasok na ang galit na galit na si Carmen. "Kaya pala wala ka sa opisina mo. Namuti na ang mata ko sa kahihintay sayo!" nanggigigil ito habang nagsasalita. 

"Ayoko ng gulo, umalis na kayo sa pamamahay ko." malumanay na sabi ni Lourdes. 

Samantalang si Alejandro ay prenteng prenteng nakaupo pa rin. "Wala naman sigurong masama kung dadalawin ko ang pamilya ko Carmen." seryoso ito habang nagsasalita. Ngayon napatunayan ni Alejandro ang mga pagkakamaling nagawa niya. Ipinagpalit niya ang asawa sa babaeng ito na wala ng ginawa kundi magreklamo. 

"Sweetheart, napagkasunduan na natin ito di ba?" biglang naging malambing ang pananalita nito. Nilapitan niya si Alejandro at akmang yayakapin ng magsalita si Jesica.

"Daddy, paalisin mo ang babaeng yan dito habang may natitira pa akong respeto sayo." matigas na turan ni Jesica. Habang si Lourdes ay tumalikod na lamang dahil hindi niya matagalan na makita ang babaeng umagaw sa kanyang asawa. 

"Carmen, umuwi ka na. May sakit si Lourdes kaya didito muna ako ng mga ilang araw." pagtataboy nito sa babae. 

Lihim na napangiti si Jesica ng marinig ang sinabi ng ama dahil ang ibig sabihin lamang nito ay may pagpapahalaga pa rin ito sa kanyang ina. At sa tingin niya ay hindi pa huli ang lahat para mabuo muli ang kanilang pamiya. 

__________________

A.N.

Enjoy reading guys... 

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

If I Could Turn Back The Time (Completed)Where stories live. Discover now