071. War of the Peculiars

3.5K 254 61
                                    

"Kasalanan ko 'to lahat..." ani Daniel na may bahid ng prustrasyon ang tinig habang nakatayo sa harap ng pinagkulungan kay Helga, "Hindi ko na dapat sinimulan 'to. Dapat hindi ko na kayo dinamay... Tama sina Isagani... Hindi ako nag-iisip."

"Tumahimik ka nga," saway sa kanya ni Helga na binibigyan siya ng malamig na tingin, "Andito na tayo, wala na tayong magagawa. We can't turn back time. None of us could..."

"Gagawa ako ng paraan para makalabas kayo rito..."

"At pagkatapos ano? Ikaw naman ang mapapahamak? Kapag ginawa mo 'yun, pare-pareho na tayong nakakulong at lalagyan ng kung anuman 'tong nakakabit sa leeg namin. Diyan ka lang at maghintay ka -"

"Aw, look at the two of you..." a man's voice said in a sarcastically kind tone, "May LQ ba kayong dalawa?"

Paglingon ni Daniel ay nakita niya si Benjamin na papasok sa loob. Kasama nito si Lara at si Tariq - ang metahuman na nag-teleport sa kanila sa lugar na iyon.

"I think he's planning to set her free..." Lara then said, smirking at them, "Tatraydurin mo na naman ba kami, Daniel?"

Bago pa man makasagot ang lalaki, bigla na lamang nag-teleport sa likod niya si Tariq. Agad nitong hinawakan ang mga kamay niya para hindi siya makagalaw. Pagkatapos noon, lumapit sa kanya si Lara na nilagyan naman siya ng isang neutralizing collar sa leeg.

"You're a horrible person, Benjamin..." Daniel said, his veins almost popping out because of anger, "Pinatay mo ang kapatid ko... Sinamantala mo ang pangarap niyang makapasok sa Paramount Class, at dinamay mo siya sa mga eksperimento mo. Andami mong sinirang mga buhay at pamilya, tapos si Jacob naman ang gagamitin mo... Matapos mong patayin ang tatay niya, gagamitin mo rin siya. Metahuman ka rin naman ah... Pero bakit ginagawa mo 'to sa uri mo?"

"Sacrifices are needed to achieve certain goals, even if it meant taking lives," Benjamin said in a calm demeanor, "And if your brother was among those that participated, then you must feel honoured that he was a part of a noble cause."

"Mamamatay-tao ka... Hindi hayop ang kapatid ko na pwede mong pag-eksperimentuhan! Wala kang puso..."

"Daniel, my friend... Ni hindi ko nga kilala kung sino ang kapatid mo eh... But whoever he is among those students, he definitely volunteered. Alam niya kung ano gagawin namin sa kanya, dahil alam niya kung ano ang kailangan para maging miyembro ng Paramount Class. My people definitely told him that, so he completely knew what he was putting himself into. He wanted to be a metahuman... Just like me, and just like you," Benjamin then smirked, "The experiment on him might have failed, but -"

Bago pa man matapos ni Benjamin ang sinasabi niya, bigla na lamang dinuraan ni Daniel ang lalaki. Bumagsak ang dura ng class adviser sa braso ng school director.

"Halimaw ka, Benjamin... Wala kang kwentang tao," galit na saad ni Daniel habang binibigyan ng matalim na titig ang lalaking dinuraan niya.

Benjamin stared at the spot where the Daniel's spit landed, before his face donned a passive and serious look. Just then, he took a revolver from his back, and shot one bullet on Daniel's arm and another bullet on his leg.

Bumagsak ang class adviser sa sahig matapos maglaho ni Tariq sa likuran niya bago pa man siya mabaril. Pagkatapos noon ay binaril pa ni Benjamin ang kaliwang kamay niya para hindi niya magamit ang kapangyarihang gumawa ng mga domes. Habang nasa sahig ang katawan niya, patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa mga tama ng bala sa katawan niya.

"Take him inside the chamber. If his students arrive early, then Leia will probably heal him. But if they don't arrive in a few minutes, then he's going to bleed to death."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now