011. Visions in Voices

5.8K 393 49
                                    

Pagkatapos ng regular classes nila, agad na dumiretso si Emma sa Paramount Building para sa supplemental classes nila sa araw na iyon. Habang palapit siya sa building, natanaw niyang paakyat na rin si Vladimir kaya nagmadali siya para maabutan ito at makasabay sa paglalakad. Pero dahil hindi hamak na mas mabilis ito maglakad, hindi na naabutan pa ni Emma ang lalaki.

Akala niya ay dumiretso ito sa classroom, kaya doon siya kaagad nagpunta. Pero wala siyang nadatnang tao roon. Aalis na sana siya ng kwarto, pero napansin niyang nakapatong ang jacket ni Vladimir sa sarili nitong desk. Napangiti siya at mabilis na lumapit sa desk, bago kinuha ang jacket sa ibabaw para sana pasimpleng amuyin.

Pero nang mahawakan niya na ito ng dalawang kamay, naramdaman ni Emma na parang bumagal ang galaw ng mga bagay sa paligid niya. Pakiramdam niya ay tatalon palabas ng dibdib ang puso niya dahil sa lakas ng tibok nito. Sinubukan niyang huminga nang malalim, pero pagkatapos niyang gawin iyon ay tila biglang nawalan ng tunog ang buong paligid niya.

It was like everything was on mute, and complete silence rained over her, until her ears are finally met with a loud scream from a male voice. Kasabay ng sigaw na iyon ang tunog ng kung anong matigas na bagay na humahataw sa balat ng tao. Nakarinig rin ng mahinang paghikbi si Emma kasabay ng malalakas na tunog na iyon.

Nakikinig pa sana siya sa mga ingay na naririnig, pero nabitawan niya ang jacket na hawak nang marinig niyang bumukas ang pinto ng classroom. Nang mapalingon siya, isang nagtatakang tingin ang ibinibigay sa kanya ni Vladimir.

"What the hell are you doing?" tanong sa kanya ng lalaki.

"Ah – Ano..." pinulot agad ni Emma ang nahulog na jacket, "Nahulog kasi 'yung jacket mo kaya pinulot ko lang. Baka kasi marumihan... Nakakaloka, nagulat ako sa'yo. Bigla-bigla ka na lang pumapasok."

Vladimir just gave her a dead and cold look, before taking the jacket from her hands. Pagkatapos noon ay tuluyan nang umalis ang lalaki sa classroom.

Nang maiwan nang mag-isa si Emma, napaupo na lamang ito dahil sa naramdamang pagkahilo. Napahinga siya nang malalim, at pilit na inintindi kung ano ang nangyari sa kanya kanina lamang.

********

Pagkatapos silang bigyan ng isang take-home examination ng class adviser nilang si Daniel, nanatili sa Paramount library sina Jacob at ang iba pa para mag-research ng sagot sa mga tanong na patungkol sa mutation at genetics.

Mag-isa sa mesang pinuwestuhan niya si Vladimir, habang magkakasama naman sina Axis, Sketch, at Jacob sa isa pa. Si Gwen naman ay nakapwesto sa may bintana habang nagbabasa ng libro, habang kumukuha naman ng mga librong gagamitin nila sina Emma at Leia.

Napabuntong-hininga na lamang si Nico habang nakatitig sa screen ng computer kung saan niya tinatype ang sagot niya sa essay-type nilang examination.

"Bakit ba kasi kailangan pa nating pag-aralan ang tungkol dito? Importante bang alamin natin kung paano tayo nagkaganito? Hindi ba mas okay kung alamin na lang natin kung ano ang abilities natin bilang metahumans kaysa magsayang tayo ng oras dito sa library?"

Pabiro siyang binatukan ni Leia na bitbit na ang mga librong kinuha niya. "Huwag ka na ngang puro reklamo diyan. Tapusin mo na lang 'yang essay kaysa naman wala ka ulit ng maisagot. Paniguradong papagalitan ka na naman ni Sir Daniel niyan."

Hindi na nakasagot pa si Nico na ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa niyang pagtatype sa computer habang nakasimangot.

Maya-maya ay tumayo na si Vladimir mula sa kinauupuan niya at lumapit sa pwesto ni Sketch dala ang mga librong ginamit niya.

"Tapos ka na kaagad?" manghang tanong ni Sketch sa lalaki.

"Oo," tugon sa kanya ni Vladimir, "You can use it now."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now