034. The Danger Awaits

4.3K 347 46
                                    

Kakagaling lang ni Sketch noon sa labas ng campus para bumili ng pagkain nang masalubong niya si Emma na palabas ng Paramount Building. Bihis na bihis ito at tila may pupuntahan.

"Bihis na bihis tayo ah... May date ka?" pang-aasar ni Sketch sa babae.

Emma squinted her eyes at him. "Hindi ah. Porke bihis na bihis, may date agad na pupuntahan? Nakakaloka ka."

"Eh saan ka ba kasi pupunta?" tanong ulit ni Sketch habang yakap pa ang paper bag na puno ng pagkain, "Himala ata at hindi mo kasama si Leia?"

"Umuwi si Leia sa kanila eh," tugon ni Emma sa lalaki, "Tsaka pupunta ako sa bahay nina Gwen. Narinig ko kasi si Sir Daniel kagabi na may kausap sa phone. Ang sabi, gising na raw si Gwen. Naisip kong bisitahin siya kasi ilang araw na rin siyang hindi pumapasok."

Isang maliwanag na ngiti ang sumilay sa mukha ni Sketch nang marinig ang balita. "Talaga? Eh 'di maganda. Bisitahin natin siya. Magdala tayo ng pagkain para naman hindi awkward. Pero ang weird ha... Parang dati lang, lagi kang masungit kay Gwen. Tapos ngayon, binibisita mo na."

"Magmula nung dinisregard ko na 'yung pagkakaroon ko ng crush kay Vladimir, I actually felt better. Tsaka okay palang kasama si Gwen. Mas nag-eenjoy akong kasama siya... kasama kayo. Kaysa naman palagi akong nakabuntot kay Vladimir. Tsaka marami pang lalaki diyan 'no. Ang ganda ko kaya..."

Umiling-iling si Sketch habang tumatawa, "Oo na lang. Sige na, maganda ka na. Pero teka nga... Alam mo ba kung saan siya nakatira?"

"Alam ko kung saan," biglang saad ni Axis na naglalakad papalapit sa kanila. Kakababa pa lamang ng lalaki sa hagdan habang dala ang susi ng kotse niya, "Dinig na dinig ko kayo mula sa taas kaya naisip kong sumama. We can use my car to go there."

"So, tayo lang tatlo?" tanong ni Sketch sa mga kasama, "Sayang naman at hindi tayo kumpleto para –"

"Vladimir!"

Napatingin sina Sketch at Axis sa direksyon ng entrance ng building, at nakita ang paglapit ni Emma sa tila nalilitong si Vladimir. Medyo bakas din sa mukha nito ang gulat, dala marahil ng biglang pagtawag at paglapit sa kanya ni Emma.

"Gusto mong sumama sa 'min?" tanong ni Emma sa kanya.

"S-saan?" Vladimir looked completely confused.

Isang maliit na ngiti ang sumilay sa mukha ni Sketch. "Pupunta kami sa bahay nina Gwen. Sabi kasi ni Emma, gising na raw siya."

Napansin ni Axis na tila nagliwanag ang mukha ni Vladimir dahil sa narinig, kaya nilapitan niya ito at pabirong siniko. "Sumama ka na. Hahanapin ka ni Gwen, sigurado ako."

Saglit na nag-isip si Vladimir, at punong-puno ng pag-aalinlangan ang mukha nito. "Pero baka..." Iginala nito ang tingin sa paligid.

"Baka magalit si Nico?" agad na dugtong ni Emma habang nakangiti, "Wala siya. May practice ata sila ngayon. Sina Jacob at Leia naman parehong umuwi sa kanila. Tayo lang naman nina Axis at Sketch eh."

Tinapik-tapik ni Axis ang balikat ni Vladimir. "Sumama ka na. Wala naman 'yung gustong bumasag sa mukha mo kaya safe ka."

Pinagmasdan muna ni Vladimir ang mga kaharap na naghihintay ng sagot niya, bago tuluyang tumango.

Sinuklian naman siya ng ngiti ng mga kasama, bago sila magkakasabay na lumabas ng Paramount Building para pumunta sa parking lot ng campus kung saan nakaparada ang kotse ni Axis.

Habang nasa loob ng sasakyan ni Axis, tahimik lamang si Vladimir sa loob. Ramdam niya ang malakas na kabog ng puso niya. Mag-iisang linggo na rin magmula noong insidente, at simula noong araw na iyon ay hindi pa niya nakikita si Gwen. Ni hindi siya makakita ng balita tungkol rito dahil pilit niyang iniwasan ang mga kasamahan sa Paramount Class, lalo na't palaging masama ang tingin sa kanya ni Nico.

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt