055. Instinct Over Reason

3.8K 275 8
                                    

For weeks, Leia has been trying to contact her father via email, but to no avail. She does not understand why she cannot reach him, so she is starting to become worried.

Bago pa man mamatay si Helga, hirap na si Leia na macontact ang ama. Ngayon, wala siyang kahit kaunting ideya kung ano na ang nangyayari rito. Hindi niya mapigilang magtaka at mag-isip na baka iniiwasan siyang kausapin nito dahil kahit hindi ito sumasagot sa mga email niya, nagdedeposito pa rin ito ng pera sa bank account na ginawa ng tatay niya para sa kanya. She is still receiving money that she can use to survive, but aside from that, she has no information on her father's whereabouts.

Napahinga na lamang siya nang malalim habang nakatingin sa screen ng laptop niya, umaasa na may lilitaw na bagong email mula sa ama. Pero halos maluha na siya kakatitig pero wala pa ring nangyayari. Pagkatapos ng ilang minuto, tuluyan na rin siyang sumuko at sinara na lamang ang laptop na gamit.

Pagkatapos noon ay tumayo siya mula sa kinauupuan at nakita ang asul na kahon na nakapatong sa bedside table niya. Dinala niya sa dorm niya sa Paramount Building ang kahon na iyon, at hanggang ngayon ay patuloy pa rin siyang binabagabag kapag iniisip niya kung bakit iyon iniwan sa kanya ng namayapang school administrator.

Right then, an idea crossed her mind. She then got up from her bed and rushed outside her room. She started walking briskly along the hallway, until she stopped in front of a door.

Leia then knocked anxiously until the door finally opened. Lumitaw mula sa bukas na pinto si Emma na binati siya ng isang malapad na ngiti.

"May kailangan ka ba, Leia?" tanong ni Emma sa kanya.

Leia held on to the coin tightly as she looked at her bestfriend, her face full of interest and expectations.

"Kailangan ko ang tulong mo, Emma..."

"Tulong para saan?" the other girl replied.

Leia then entered her bestfriend's room and handed her a coin. "Pwede mo bang pakinggan ang mga alaalang naiwan mula rito?"

Emma looked at the coin, before looking back at her, giving her a confused look. Leia just responded with an eager look as she placed the coin on Emma's palm, knowing that she will give her at least some lead to the answers that she needs.

********

Noong gabing iyon, pagkatapos siyang muling kausapin ni Janus ay dumiretso si Sketch sa bagong-gawang gymnasium kung saan naroon din ang class adviser nilang si Daniel. Hindi pa iyon magagamit ng ibang estudyante, at tanging ang mga miyembro ng Paramount Class lang muna ang makakagamit ng bagong facility na iyon. Pareho nilang hinihintay na dumating si Nico, na hiningi ang tulong ni Sketch para sa preparasyon na gagawin niya para sa quarterly assessment.

While inside the gymnasium, the class adviser started turning on the lights inside the place, when he noticed the weird facial expression on his student's face.

"May problema ba, Sketch?" tanong sa kanya ni Daniel na naupo sa tabi niya sa mga bleachers.

Sketch was woken up from his dazed state as he looked back to the class adviser who is now standing in front of him, "W-wala naman po, Sir Daniel."

Pinaningkitan siya ng class adviser bago napangiting umiling-iling, "I'm no telepath or empath, Sketch... But you're pretty obvious. Is there something that's bothering you?"

Napakamot na lamang si Sketch habang wala sa loo bang pagtawa, "Kinakabahan lang po siguro ako sa parating na quarterly assessment, Sir. Ilang linggo na lang kasi, gaganapin na 'yun. Hindi ko mapigilang makaramdam ng pressure. Lagi ko pang naiiisip."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now