020. Four Pieces of One

4.8K 369 62
                                    

Gwen smirked at the question, and gave Sketch a provoking look. "Kaibigan ko si Sketch, at madali kong makikilala ang bawat galaw niya. Pero ikaw... Hindi kita kilala."

Napahinga nang malalim si Sketch habang nakangisi, at tumingin-tingin sa paligid. "Grabe ka naman, Gwen... Ako pa rin naman si Sketch. Nakakasama ka naman ng loob. Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit hindi mo ako makilala?"

"You cannot convince me otherwise," Gwen responded, "You are not Sketch, and I will keep insisting regardless of how many times you tell me you are him."

The man's brows furrowed as he laughed sarcastically. "Kung hindi ako si Sketch, eh 'di sino pala ako?" Bigla itong natawa, at pilit na kinalma ang sarili bago muling nagsalita, "Wait... Natatawa ako dun sa tanong ko... Ang lakas maka-existential question eh."

"Malalaman ko rin kung sino ka..." tugon ni Gwen, "Just so you know, I have my ways. Ililihim ko muna 'tong nalalaman ko mula sa iba nating mga kasama... After all, madidiskubre rin lang naman namin kung sino ka."

Isang mayabang na ekspresyon ang sumilay sa mukha ng binata. "Alam mo, hindi mo basta –"

"Huwag ninyong sasaktan si Sketch... At sabihin mo sa mga kasama mo na magtago sila nang mabuti. I know where they are hiding."

Unti-unting nawala ang mayabang na ekspresyon sa mukha ni Sketch at napalitan ng pagtataka. "Paano mo nalaman..."

Gwen smirked mysteriously. "I told you... I have my ways."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay tuluyan nang tumalikod si Gwen at naglakad palayo. Naiwan si Sketch sa kinatatayuan niya na nagtataka sa itinugon ng babae. Bahagya siyang kinabahan, lalo na't iba ang pakiramdam niya sa sinabi nito. It was like Gwen was certain that she knows everything regardless of how much he hides it.

Mabilis siyang naglakad paalis sa lugar na iyon at dumiretso sa kwarto niya sa Paramount Building. Inilabas niya ang key card mula sa bulsa, at luminga-linga muna sa paligid bago tuluyang dumiretso sa loob ng kwarto.

Pagpasok niya, agad siyang sinalubong ng isa pang Sketch. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito, at panay ang kagat sa mga daliri at kuko niya sa kamay.

"N-nahalata ka ba nila?" tanong nito sa kanya.

"Hindi... Pero si Gwen... Alam niyang hindi ako si Sketch," naiinis niyang tugon habang hinuhubad ang suot na hoodie.

Natawa na lamang ang isa pang Sketch na nakaupo sa swivel chair sa harap ng study table. "Sinabi ko na sa'yo eh... Kahit matalino si Vladimir, hindi ka niya mapapansin dahil wala naman siyang pakialam sa ibang tao. Pero si Gwen, imposibleng hindi ka niya mahalata. Mabilis ang pick-up 'nun... She's very intuitive," saad nito habang gumagawa ng isang origami gamit ang isang piraso ng coupon bond na nakuha niya sa ibabaw ng mesa.

Napaupo ang nag-aalala at kabadong bersyon ni Sketch sa kama kung saan nakahiga at walang malay ang tunay na Sketch. "P-papano 'yan, Kei? Paniguradong aalamin ni Gwen ang totoo... Anong gagawin natin?"

Napaupo na rin sa kama ang bersyon ni Sketch na tinawag na Kei. "Hindi niya na kailangang alamin 'yun, Steven, dahil alam niya nang nag-eexist din kayong dalawa ni Kit. Mukhang alam niya rin na dito rin tayo nagtatago sa mismong kwarto ni Sketch..."

Ibinaling ng napapraning na si Steven ang tingin sa duplicate ni Sketch na abala pa rin sa paggawa ng origami. "Kit... Anong gagawin natin?"

"Eh 'di wala... Ano bang magagawa natin? Hindi naman magtatagal, malalaman din nilang andito tayo. Utot nga hindi mo basta matatago, tayo pa kaya." Nang matapos siya sa paggawa ng crane origami ay inilagay niya ito sa tabi ng unan ng natutulog na si Sketch, "In the end, they're going to find out that we're here, so I suggest that we enjoy these moments habang hindi pa tayo nakakabalik sa katawan ni Sketch."

The Paramount Code (The Odd Ones, Book 1)Where stories live. Discover now