Napangiti siya ng mapait. "Ang laki kong ilusyunada ano? Kasi pagkadating na pagkadating ko sa kanila noon, pinaramdam ka agad ng tiyahin ko na ayaw niya sa akin. Kaunting mali o kibot, tatalak na iyon. Tiniis ko pa nung una. Sabi kasi ni tiyo, medyo busy lang siya at laging pagod. Intindihin ko na lang daw."

Nagumpisa muling pumatak ang mga luha niya. "Pero hindi naman na kasi tumigil. Mabuti nga at hindi naman palagi. Pero minsan naiisip ko, ano ba ang n-nagawa ko at bakit ganoon na lamang siya sa akin? Kung ayaw niya sa akin, bakit pa nila ako t-tinanggap? Biruin mo, walong taon kong natiis lahat iyon. Iniisip ko kasi, mabait naman yung tiyuhin ko. Baka bumait din siya sa akin. Lalo pa nung nagkatrabaho ako at nakapag ambag sa kanila. Dumalang na iyong pagpaparinig niya. Sobrang u-umasa ako noon. Nagkaroon ako ng... ng pag-asa at mas nagsikap magtrabaho."

Padaskol niyang pinunasan ang mga luha niya. "Pasalamat na nga lang din ako dahil hindi a-ako pinagbubuhatan ng kamay. Pero minsan naiisip ko, mas kaya ko pa atang tanggapin yung mga p-palo kaysa sa masasakit na salita niya. Iyon kasi maghihilom agad. Lagyan mo lang ng ointment, inom ka lang ng gamot. Wala na."

Napangiti siya. "Pero yung salita kasi. Yun ang magtatagal. Tusok agad sa puso eh." pagkatapos niyon ay napahagulgol ulit siya. At muli ay ipinaloob siya ni Matthew sa mga bisig nito. Nag patuloy lang siya sa pagsasalita.

"Kaya ikaw, kung magalit ka... o may makaaway ka, kung masama ang loob mo, huwag na huwag mo silang pagsasalitaan ng m-masama. Kung wala kang masasabing maganda, manahimik ka na lang. Huwag kang gaganti. Kasi possibleng tumatak iyon sa kanila."

"Oh, baby." Naramdaman niya ang paghalik nito sa buhok niya. Hindi niya napigilang bumawi ng yakap dito. Nakakagaan ng loob ang mga ginagawa nito.

Matagal silang nasa ganoong posisyon. Ayaw pa niyang bumitiw dito. Ito naman ay mahigpit pa rin ang yakap sa kanya. Nakalma na siya at tumigil na sa pag iyak ngunit ito ay panaka nakang humahalik pa rin sa ulunan niya.

Pagkalas niya dito ay nakangiting tiningnan niya ito at pinunasan ang mga luha. Natuwa siya ng alisin nito ang mga iyon at ito na ang mismong nag punas. Kita niya sa mga mata nito ang halo-halong emosyon. Kalungkutan, hirap, at... pagmamahal? Impossible. Pero wala siyang nakitang awa doon. Hindi niya kakayaning maging ito ay kaawaan siya.

"I... I don't know what to say..." bulong nito.

Umiling siya.

"Hindi na kailangan. Salamat, ha? May mapaglabasan lang ako ng mga kinikimkim ko, ayos na ako dun. Okay na ako sa pakikinig mo."

Pagkatapos niyon ay muli siya nitong niyakap. Mas mahigpit pa nga kaya lalong gumaan ang pakiramdam niya. Panakanaka ay hinahagod nito ang buhok niya at binibigyan ng halik.

Ilang sandali pa silang nasa ganoong posisyon nang magsalita ito.
"You know what..." bitin nito kaya napaangat siya ng tingin dito. Hinalikan naman nito ang noo niya. "I think, I want to drink some milk tea."

Lumiwanag ang mukha niya. Gusto niya iyon. Nakita nito iyon dahilan na mapangiti rin ito. Tumayo na ito at hinila siya sa mga kamay. Binitbit din nito ang bag niya.

"Come on. Let's race papunta sa kotse. Ang manalo, siya ang manlilibre."

Natawa naman siya. Malamang ito ang mananalo dahil hindi naman niya alam kung saan naka park ang kotse nito.

Hinaplos nito ang pisngi niya. "That's better." Sabi nito. Feeling naman niya ay namula siya sa pagkakatitig nito.

Nang bumitiw ito ay bigla na lang itong tumakbo kaya natatawang napasunod na lang siya. Napansin niya agad ang magandang klase ng kotse nito. Wala siyang masyadong alam sa mga kotse pero sa ganda niyon ay mahahalatang pangmayaman.

Saglit na may kinuha ito sa likod ng kotse bago siya pagbuksan ng passenger side. Nang makaupo siya ay nag squat ito at may ibinigay sa kanya. Nang bulatlatin niya iyon ay isang pulang t-shirt iyon. Halatang kay Matthew iyon dahil naamoy niya ang pabango nito roon.

Nagtatakang tiningnan niya ito.

"Magpalit ka muna ng damit. Basa ka pa ng pawis."

Mabilis na napailing siya at iniumang ang damit dito. "Hindi na. Dapat ikaw na ang magpalit dahil nabasa ko ang damit mo."

"You are so hard headed." napapailing ngunit naka smirk na sabi nito. "May extra pa ako. Isuot mo na yan. Bago ako pa ang magpalit sayo." alam niyang biro lang iyon ngunit naramdaman pa rin niyang umakyat yata ang lahat ng dugo niya papunta sa mukha.

Umayos na ito ng tayo. "Don't worry about the windows. They're tinted." sinara na nito ang pinto at pumunta na muli sa likod ng sasakyan.

Mabilis na naghubad na siya at nagpalit sa pag aakalang bigla na lang itong papasok.

Mabuti na lang at nakataas pa rin ang trunk nito paglingon niya. Marahil ay nagbibihis pa ito roon.

==================❤️❤️❤️

Kinililig naman ako... Sana may Matthew rin na handang yumakap sa akin kapag nalulungkot ako...

Hahahah XD

Posted: June 17, 2020 7:42 pm

It's Way Too Early [COMPLETED]Where stories live. Discover now