epilogue

177 6 0
                                    

"KY, I FOUND HER!" Nagtungo ako agad sa kinauupuan ni Sage at tinignan ang laptop niya.

"She's working as a neurosurgeon at Silver Oak. This is her address." Tinuro ni Sage ang address niya.

"May empty house and lot ata si Kio d'yan, you can ask him about it." Tumango ako.

"May... May kasama ba siya sa bahay? Bata, if ever?" Nagbabakasakali ako. Sage clicked his tongue before shaking his head.

"Mga kapatid niya lang ang kasama niya, no kid." Bumuntong hininga ako dahil doon.

"Thanks, bro." Nginitian ako ni Sage.

"Now go and fix your goddamn marriage." I chuckled before bidding my goodbye. Umalis ako sa penthouse niya at nagmaneho papunta sa ospital kung saan siya nagta-trabaho.

Hindi na ako nakapaglibot dahil nagtungo ako agad sa office ng President. Good thing magre-resign ang chief ng neurology department, I can take that place.

Sinabi lang ng president kung kailan ako pwedeng magsimula bago ako umalis. Pupunta ako sa kompanya nila Kio.

"Good afternoon, sir." Bati ng nasa front desk. Kinunutan niya ako ng noo.

"Is Kio around?" Tumango agad siya.

"Yes, sir. Nasa office niya po. May I ask for a name?" Tanong ng babae bago nagpindot sa telephone.

"Ky," Tinignan niya ako dahil doon.

"Familiar ka," She looks familiar, too. But I ignored it. I smiled at her.

"Anyways, sir. You can go to his office now, 5th floor." Tumango ako.

"Thanks," Nginitian niya ako bago ako sumakay sa elevator. Pagkabukas ay hinanap ko kung saan ang office ni Kio.

Kio Elijah Melendez

C.E.O

Kumatok ako at hinintay ang signal niya kung kailan ako papasok. Nang marinig ko ang boses niya ay pinihit ko ang pinto at pumasok.

"What bought you here?" Nagpipirma siya ng papers. Umupo ako sa visitor's chair.

"May bahay ka ba sa village na 'to?" Tinignan niya ang pangalan ng village bago humarap sa laptop niya. Tumango siya.

"Yeah, you need it?" Tanong niya. Tumango ako. Nagtipa siya sa laptop bago tumingin sa'kin.

"I'll just process some papers before you move in." Tumango ako. Sinabi pa niya kung magkano ang bahay at kung ano ano pa bago ako umalis.

I'm one step closer to her.

I'm one step closer to my wife.

THIS IS MY FIRST DAY IN MY NEW JOB. Bumaba ako ng sasakyan ko at napatigil nang may magkumpulan sa paligid ko.

"Doc. De Venecia?" Tumango ako. They started squeeling. Umiling iling ako dahil doon.

This is what I hate.

They started saying weird things. Wala akong maintindihan. Napatingin ako sa sasakyang tumigil. Hindi ko nakita kung sino ang bumaba dahil sa dami ng taong nasa harap ko. Ilang segundo ay may tumigil din na sasakyan.

Hindi ko makita kung sino sila. Naagaw lang ng atensyon ko ang pamilyar na amoy kaya napahawak ako sa braso ng isa.

Nanlaki ang mata ko.

She... She's in front of me now...

"Gusto mo ipalunok ko pa sa'yo 'to?"

Napatanga ako sa kaniya. Umalis sila ni Gia sa harap ko. Nakatulala pa rin si Gia sa'kin.

Sky's not the Limit (Sky Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon