10

86 6 0
                                    

ten: shortcake

THE SATURDAY BREI PROMISED CAME. And in 3 days, Akeisha's with me. Dahil naglaba ako kahapon ng mga damit, wala akong masyadong tuyong damit kaya napilitan akong isuot ang light purple kong body con dress na may kaiksihan. Medyo kita din ang dibdib ko pero hindi naman uncomfortable. Inayos ko ang buhok ko bago bumaba.

"Date?" Tanong ni Vivian habang nagtitimpla ng tsaa. Umiling ako.

"Lalabas lang kami ni Brei." She widely smiled. Nanunuksong ngiti, to be exact.

"Bigyan mo na ng tatay si Keisha." Umiling ako bago nilabas ang phone ko.

"I can raise her on my own." Binaba niya ang kutsarang ginagamit niya sa pagtimpla bago tumingin sa'kin.

"She's been asking for a father for so long, ate. It's not about raising her on your own, it's about giving her the love of a father she needs." That was deep. And she's right.

"I don't think I can trust a man to be Akeisha's father." Kinuha ko ang bag ko na nakapatong sa counter bago lumabas. Saktong tumigil ang sasakyan ni Brei sa tapat ng bahay namin.

"Ganda naman." Inirapan ko siya dahil doon.

"Saan tayo?" Nag seat belt ako bago humarap sa kaniya.

"Secret," 

"Whatever," He chuckled.

"Kamusta pala si Keisha?" Tumango ako.

"She's fine." I saw him smile from my peripheral vision.

"Pwede ko siya ilabas?" Umiling ako. Napa pout siya dahil doon.

"Kasama dapat ako." Tumango siya agad.

"Yes, boss." Mahina akong natawa dahil doon. He really likes Akeisha. Nakita niya lang si Keisha noong 1st birthday niya sa Spain.

Ilang minuto pa ay huminto kami sa parking ng mall. Pagkalabas ay sabay kaming pumasok.

"Saan tayo?" I asked before looking around. Inakbayan niya ako.

"Sine muna tayo?" Tumango ako bago kami nag escalator papuntang sinehan.

"Bili ako ng snacks." Tumango si Brei bago pumunta sa ticket counter habang ako ay nagpunta sa bilihan ng snacks.

Bumili ako ng popcorns at dalawang soda bago bumalik sa kung nasaan si Brei. Saktong tapos na siya dahil walang masyadong pila. Pagkapasok ay umupo kami malayo sa screen dahil walang masyadong tao doon.

Nasa previews pa lang naman kaya dinaldal muna ako ni Brei.

"Kamusta pala work?" Tanong niya habang nakaharap sa'kin.

"Ayos lang naman. How about you? Kamusta work?" Bumuntong hininga siya.

"Stressful." I chuckled.

"Sucks to be a CEO." I sarcastically said. Tumawa siya dahil doon.

Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong tumunog. It's a text from Ky.

"Where are you?" Ano nanaman ba kailangan niya?

"Mall." Sagot ko. Ilang segundo ay nagreply siya.

"Saan banda?" Bumuntong hininga ako bago nagreply.

"Cinema." He left me on seen. The audacity. Pinatay ko ang phone ko bago tumingin kay Brei.

"Sino 'yon?" Tanong niya habang nakatingin sa phone ko.

"No one." Nilagay ko sa bag ang phone ko bago humarap sa screen.Mabilis natapos ang previews kaya pinatay nila ang ilaw.

Sky's not the Limit (Sky Series 1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin