11

81 6 0
                                    

eleven: akeisha

TODAY'S THE DAY I'VE BEEN WAITING. Maaga akong gumising dahil maagang dadating si Akeisha. Isasama ko din siya sa ospital dahil siguradong ayaw niyang sumama kay Vivian.

"Good morning, ate. You'll take Akeisha to work with you ba?" Tumango ako bago umupo. Vivian served me coffee.

"Hindi ba busy ang hospital? I can take her." Umiling ako bago humigop sa kape ko.

"It's fine, Vivian. Where's Axel?" Nagkibit balikat si Vivian.

"Tulog pa ata. Wala daw prof nila ng first sub kaya he decided to sleep more." Tumango tango ako dahil doon bago mabilisang inubos ang kape ko.

"I'll go now, bye." Kumaway si Vivian bago ako lumabas. Pagkasakay ko ng sasakyan ay nagmaneho ako papuntang airport.

Medyo matagal din ang byahe papuntang airport dahil may kalayuan ito sa bahay.

Nang makarating sa airport ay umupo ako sa waiting area. Ilang minuto na lang ay magla-landing na ang eroplano.

While waiting, I distracted myself with my phone. I checked my schedule. Maaga ang out ko ngayon.

"MOMMY!" Napaangat ako ng tingin nang may batang tumatakbo palapit sa'kin. Tumayo ako bago lumuhod para salubungin si Akeisha. When she reached my arms, I hugged her tight.

"How's my baby girl? Who are you with?" Tanong ko. Tinuro niya ang babaeng nasa likod niya na hinahabol siya. Binuhat ko si Akeisha bago humarap kay manang.

"Manang, kamusta na kayo." Siya ang nagbabantay kay abuela simula pa noong college ako.

"Ma'am Aiane? Nako ma'am, gumanda ka lalo." I chuckled. May pagka bolera talaga 'tong si manang.

"Ikaw manang ha. Salamat sa paghatid kay Akeisha dito." Tumango naman siya.

"Wala po 'yon, ma'am. Tsaka uuwi din po ako sa Tarlac ngayon." Naglakad kami papuntang sasakyan ko. Pinasok ko muna si Akeisha bago ako tinulungan ni manang sa mga bagahe nila.

"Ayaw niyo po ba muna magpahinga sa bahay, manang? Nandoon si Vivian." Umiling si manang.

"'Wag na po, ma'am." Binuksan ko ang back seat.

"Hatid na lang kita sa terminal, manang." Wala na siya nagawa kundi pumasok. Pagkapasok ko ay pinaandar ko ito papuntang terminal ng bus. Dahil malapit lang ito sa airport ay nakarating kami agad doon.

"Manang," Inabot ko ang 5k bill sa kaniya. Umiling siya agad.

"Nako ma'am, ang laki niyan. Huwag na po." Umiling ako bago kinuha ang kamay niya at nilagay ang 5k.

"Kunin niyo na po. Salamat, manang." Ngumiti siya bago kumaway kay Akeisha at ngumiti sa'kin bago pumasok sa bus.

Pumasok na din ako sa sasakyan para pumuntang ospital.

"Mommy, where is manang going?" I smiled without taking my eyes off the road.

"She'll go home to her family, anak." Tumango naman siya bago tinignan ang laruan niyang unicorn.

"Mommy, where are we going?" She asked.

"We're going to mommy's work." Tinignan niya ako dahil doon.

"Where is that?" I smiled at her before looking back at the road.

"To the hospital, my dear." Napangiwi siya dahil doon.

"I don't like hospitals." She sounds so disgusted. I laughed.

"We can go home and let tita Vivian take care of you-"

Sky's not the Limit (Sky Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant