5

138 8 2
                                    

five: rumors 

THE NIGHT OF ASTERIA'S BIRTHDAY ENDED UP WITH A BROKEN-HEARTED GIA, MISSING MARI, DRUNK ASTERIA, UNCONSCIOUS SNOW, AND WILD CARINA. I don't even know how I ended up in my room. All I can remember is that I ended up drinking too much while Gia cries her heart out.

Kinusot kusot ko ang mata ko bago tinignan ang damit ko. Isang oversized shirt ko at cycling shorts lang. Baka si Vivian ang nagpalit sa'kin.

Binuksan ko ang kurtina ng balcony at napatalon nang makita si Ky na nagkakape habang nagce-cellphone. Napansin niya ako kaya kumaway siya.

Napatingin siya sa dibdib ko bago nag iwas. Napatingin din ako dito at nanlaki ang mata ko nang makitang wala pala akong bra. Tinakpan ko agad ito bago sinara ang kurtina.

Napasapo ako ng noo bago hinanap ang bra ko. Pagkasuot ay bumalik ako sa balcony.

"Good morning," Bati niya. Tumango lang ako bago tumingin sa backyard kung saan si Vivian na tinutulungan si Axel sa homework ata.

"Sino nag uwi sa'kin kahapon? Sinundo ba ako ni Vivian?" Tanong ko. Umiling siya bago pinatay ang cellphone at binulsa.

"Ako naghatid sa'yo." I hid my shocked face.

Siya? Bakit?

"Oh, arigato." Saad ko bago tumalikod. Maghahanda na akong pumasok. Mamaya ko na aalalahanin ang hangover ko.

"The hospital's closed now. They're doing renovations." Humarap ako sa kaniya dahil doon. Thank God.

Tumango ako bago lumabas ng kwarto ko. Uminom ako ng advil bago nagtimpla ng kape at pumunta sa backyard kung nasaan sila Vivian.

"Good morning, ate!" Bati nilang dalawa. Tumango ako bago tinignan ang ginagawa nila.

"Wala kang trabaho, ate?" Tanong ni Vivian. Umiling ako bago umupo sa tabi ni Axel na nakasintido.

"Tumawag si Keisha kagabi?" Umiling si Vivian. Tinulungan ko si Axel sa math niya bago nagtungo sa kusina para magluto dahil hindi pa sila nagbe-breakfast.

I should call Keisha and abuela later.

I cooked onigiri and tamagoyaki which is rolled eggs since I'm craving mom's favorite dishes.

She used to cook us onigiri and tamagoyaki every morning.

Pagkatapos ay nilagay ko ito sa lamesa at lumabas para tawagin ang dalawa.

"Kain na," Tawag ko sa kanila. Tumango sila pero bumalik din sa homework ni Axel.

"Kain na sabi ko." Tumayo sila agad.

Gusto kong sabay sabay kaming kumakain, and we always leave a seat to keep our mom's presence.

"Itadakimasu." Sabay sabay naming saad bago sabay sabay na kumain.

"Kamusta work, Vivian?" Tanong ko. Nagpunas siya ng labi bago sumagot.

"Ayos lang, ate. I'm not here next week, may photoshoot kami sa London." Tumango ako bago kumain ng tamagoyaki.

"Ikaw? Kamusta college?" Binalingan ko si Axel.

"Ayos lang din, ate. Dean's lister pa rin." Tumango ako dahil doon.

Natapos kaming kumain at si Vivian ang naghugas. Pumasok ako sa kwarto ko at bumalik sa kwarto ko at nagpalit ng sando at shorts. Binuksan ko din ang bintana at balcony para pumasok ang hangin.

We don't have aircon in our house. We don't want one and we all prefer nature's wind. Wala ka din makikitang electric fan dito.

Some part of it was because of mom.

Sky's not the Limit (Sky Series 1)Where stories live. Discover now