23

92 6 2
                                    

twenty-three: a confession

IT'S BEEN A WEEK SINCE WE STARTED LIVING IN OUR HOUSE. Kwinento lahat ni Ky ang mga nangyari sa'min magmula no'ng college.

He's the guy I lost my virginity to, I was relieved he's the one.

Akeisha started going to school, too. Ky and I fixed our schedules sa hospital to make time with Akeisha. He fixed his office hours and I limited my surgeries so I can go home earlier.

Ako ang susundo kay Akeisha ngayon sa school niya kaya pagkatapos ng last rounds ko ay umalis ako agad. Nakalimutan kong magpaalam kay Ky kaya itetext ko na lang siya mamaya.

Nagmaneho ako palabas ng parking ng hospital. Buti at may kalapitan ang school ni Akeisha kaya mabilis lang akong nakarating doon. Naghintay ako sa waiting area dahil ilang minuto ay lalabas na sila.

Habang naghihintay ay nakatanggap ako ng text kay Ky.

From: Ky
where are you? akala ko out mo na?

To: Ky
im here at akeisha's school, i forgot to text u earlier

Mahina akong natawa sa reply niya.

From: Ky
i wanted to come with you :(

Hindi ko na siya nareply-an dahil lumabas na sila Akeisha at tumatakbo na siya palapit sa'kin.

"Hello, baby. How's school?" Kinuha ko ang bag niya. Nagtaka ako dahil luminga linga siya sa paligid bago kumaway sa isang lalaki. He looks familiar.

"Who is he, anak? Your friend?" Tumango siya bago humawak sa kamay ko.

"He's my playmate from Batangas, mommy." Oh, now I see why he's familiar. He's the kid from the pool area sa Batangas.

"What's his name?" Pumasok kami sa sasakyan. Tinulungan ko siyang mag seat belt bago humawak sa manibela.

"Derek, mommy." Tumango tango ako dahil doon. So far, she's doing good in school. Walang nambubully o kaya'y nang-aaway sa kaniya. I have no plans on transferring here anyways.

Ilang minuto ay nakarating kami sa bahay. Pagkabukas ay inasikaso ko muna si Akeisha, pinalitan ko siya ng pambahay bago ako nagpalit. Maaga pa naman kaya tinulungan ko muna siya sa homeworks niya at tinuruan ng Tagalog bago nagluto ng dinner. Nasa lamesa si Akeisha at nagsusulat ng letters.

"I'm home," Lumiwanag ang mukha ni Akeisha bago bumaba sa upuan at sinalubong si Ky. Pumasok sila sa kusina kaya nginitian ko siya. Karga niya si Akeisha na nakayakap sa leeg niya.

"Welcome home," Bati ko. Lumapit siya sa'kin bago humalik. He smells kind of different but I just shrugged it.

"Palit lang ako," Tumango ako. Binaba niya si Akeisha sa upuan. Nagpatuloy si Akeisha sa pagsusulat habang ako ay nagbalik sa pagluluto. Iba ang amoy niya. He smells sweet... A woman's perfume, naamoy ko na 'yon pero hindi ko alam kung kanino ko naamoy.

Bumalik siya saktong luto na ang niluluto ko. Hinain ko na ito at kumain kami. Tahimik lang ako habang sila Akeisha at Ky ay nag uusap. Nagtatanong si Ky kung anong nangyari sa school and stuff.

"Baby," Napatingin ako sa kaniya dahil doon.

"You okay?" Marahan akong tumango. Pinaningkitan niya ako ng mata, I smiled before nodding.

"I'm fine. I'm just thinking about... something." Nag iwas ako ng tingin bago nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain ay si Ky ang nag hugas habang ako ang nag asikaso kay Akeisha para matulog. She insisted to have her own room pero dahil walang katabi ang kwarto namin ni Ky ay medyo malayo ang kwarto niya sa kwarto namin.

Sky's not the Limit (Sky Series 1)Where stories live. Discover now