22

86 7 0
                                    

twenty-two: who 

ISANG LINGGO NA ANG NAKALIPAS NANG MAKAUWI KAMI SA MANILA. Snow just suddenly disappeared after our trip to Batangas. Carina don't have any idea where she is.

I'm going to meet with Sage today since ngayon lang ang free time niya.

Hindi ako nagpaalam kay Ky kung saan ako pupunta dahil sabi ni Sage ay 'wag ko daw ipapaalam sa kaniya. I left Akeisha with Vivian today.

Nagmaneho ako papunta sa address na binigay niya. Bumaba ako sa harap ng isang apartment complex. Sumakay ako sa elevator habang nakatingin sa phone ko. Naglakad ako palabas pagkabukas ng pinto ng elevator at hinanap ang room number. Huminto ako sa tapat nito at kumatok ng dalawang beses.

Binuksan ni Sage ang pinto. Luminga siya sa paligid bago ako sinenyasang pumasok. May nakalagay na dalawang laptop sa coffee table ng sala, mga newspapers at folders sa sahig. Umupo ako sa sofa.

"So, tell me, what do you want to know?" Umupo siya sa harap ko, sa kaniya nakaharap ang laptop.

"Is it true that I was in a car accident 4 years from now?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Matagal niya akong tinignan bago siya marahang umiling. Humarap siya sa laptop niya at nagtipa, inabot niya ang isang newspaper article sa'kin.

"So I was involved in this?" Tumango siya. It's an article about an airplane crash. It was going to Spain when it crashed. Hinarap niya sa'kin ang laptop niya.

"Your mom's body was seen here, too." Kumunot ang noo ko bago tumayo.

"No, mom died because of a heart attack. What the hell are you talking about." Nilipat ni Sage ang picture na nasa laptop screen at pinakita ang isang bangkay na sunog, maya kwintas ito.

"It's... Her necklace..." Napatakip ako ng bibig dahil doon.

"Your friend knows the whole story. I don't think I'm in the right position to say it to you." Napalunok ako bago tumango.

"After you woke up in the hospital, you don't remember anything? Like, anything?" Umiling ako.

"I don't remember anything, but I had weird dreams about a plane crash. And when I met Ky, a faceless man appears in my eyes, or every time he takes me somewhere."

"Did you ask your friends what happened to you?" Tumango ako.

"Nagtanong ako sa mga kaibigan ko kung anong ginagawa ko do'n, sinabi nila I was in a car accident but I can't remember that I crashed myself while driving. I was in a coma for 2 weeks, and mom died when she heard about me, that's what they said." Umiling siya.

"You were in a plane crash and your mom saved you." Humilig ako sa sofa.

"Are you saying that my friends lied to me?" Tumango siya. I sarcastically chuckled.

"Why is mom there in the first place? May kasama ba ako?" Tumango siya.

"Hindi mo kasama ang nanay mo, kasama mo ang tatay ni Akeisha." Naguguluhan ako.

"What? Okay, I'm so confused right now." He cleared his throat.

"That day was the day of your wedding-"

"Wedding? I have a husband? What? Enlighten me." Humalukipkip ako. Ngayon lang ako nalito ng ganito katindi. Wala akong maalala na kinasal ako, o kaya bumyahe papuntang Spain.

Hindi ko ma-proseso lahat ng sinabi ni Sage. Hindi pa lahat 'yon. Nasa araw pa lang kami ng aksidente. Ano pa kaya ang meron.

"I never felt so betrayed in my life before." My friends and my sibling knew and they decided to hide it from me.

Sky's not the Limit (Sky Series 1)Where stories live. Discover now