t e n.

8 1 0
                                    

"Will you please stop calling me 'babe'!? Baka kung ano pa isipin ng iba kapag narinig ka nila." Reklamo ko.

Inalis ko na ang mga tingin ko sa kaniya dahil lumalakas na ang hangin sa loob ng sasakyan niya.

"So, what if they hear me calling you that? It's not like I'm doing something unlawful." Walang pakielam na sabi nito.

Umirap ako bago ko siya hinarap ulit. "Okay ka lang?" I said sarcastically. "I'm engaged. So, it's inappropriate. Paano kapag may makarinig sa'yo na nakakakilala sa akin? Edi ano iisipin nila? That I'm cheating?" Halos masapak ko siya dahil sa biglaan niyang pagpreno.

"Ano ba!?" Inis na singhal ko sa kaniya. Mabuti na lang nakasuot ako ng seatbelt. Dahil kung wala, siguradong basag yung ulo ko kung nagkataon!

"What did you say?" Baka ang gulat sa mukha nito.

Nasa gitna pa kami ng daan kaya naman ay inayos niya ang pagtabi sa sasakyan. Napapalibutan lang kami ng mga puno at sa tingin ko bundok at kagubatan ang nasa parehong gilid namin. Hindi rin ganoon kalawak ang daan pero wala rin naman masyadong dumadaan na mga sasakyan maaaring dahil maaga pa.

"What?" Naiinis ko pa ring tanong pabalik sa kanya.

"What do you mean you're engaged?"

"I'm engaged?" Alanganin na sagot ko sa kanya habang pinapakita ang singsing na suot ko.

Binalot kami ng katahimikan ng ilang segundo. Sumandal siya sa upuan niya paharap sa daan. Pinapanood ko lang siya hinihintay kung may sasabihin pa siya.

"Since when?"

"Since months ago?"

"Even before the club incident?"

"Uhm...yes?" I answered bewilderedly. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. What is he bothered about? Does it have something to do with my engagement?

I heard him cursed under his breath. He never talked to me again after that weird conversation. The atmosphere inside his car was awkwardly quiet the whole time until we reached the destination.

Nakahinga lang ng maluwag nang makababa na ako ng sasakyan. Pumasok kami agad sa lounge area ng pensionne stay-in na tutuluyan namin for the rest of the week. Sinalubong kami ng mga staff at sinuotan ng lei. Nandoon na rin ang mga kasama namin na may suot rin na mga lei.

Kasama ko sa kwarto si Shirly and Jackie. May three beds available per room since for barkada ang kinuha namin. Sila sir Alfie, Carl, at isa from the design team ang magkasama sa isa pang room. Si Easton... I guess he got his own solo room. Boss e.

We settled our things inside our room first before we proceeded in doing our job. We are not here for vacation but for work. We got limited time so, we do not have time to rest. We have to close the deal before we go back in Manila.


"Finally, it's lunch time!" Pagod na sagot ni Shirly.

Umupo ako sa pangalawa sa pinakadulo ng lamesa sa gitna ni Jackie at Shirly. Kababalik lang namin galing sa pagbisita sa iba't ibang weavering factories. Inuna kasi namin ang limang maliliit na weavering factories dito sa lugar at mamaya naman ay ang limang malalaking weavering factories naman ang pupuntahan namin. Binibisita talaga namin isa-isa ang mga pagawaan para makita mismo kung paano ito ginagawa at para na rin makita ng personal ang kwalidad na gagamitin pang barong. Maliban kasi sa tinitignan namin kung kanino mas maganda makipagdeal ng partnership ay kailangan din namin tignan kung saan sa tingin ng design team namin ang magandang gamitin para sa project nato.

Nagkwekwentuhan na ang iba naming mga kasama na nasa kabilang dulo. Tahimik naman ang side namin dahil umupo sa pinakadulong upuan sa harap namin si Easton. Hindi sinasadyang pag-angat ko ng tingin ay nagtama ang mga mata naming dalawa. Tinaasan niya ako ng kilay at may nakatagong ngiti sa kanyang mga labi. Sa pagkailang ko sa kanya dahil sa nangyari kaninang umaga, ako na ang unang umiwas ng tingin.

Love Me FearlessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum