n i n e t e e n.

23 0 0
                                    

Tumupad nga sa pangako si Eron. Sa mga sumunod na araw, bumawi talaga siya sa akin. Hatid-sundo niya ako palagi. Kung noon naghihintay pa ako sa kanya, ngayon pababa pa lang ako nandiyan na agad siya.

Gumigising din ako na may nakahanda ng almusal sa lamesa, kung minsan pa nga gumigising ako na may halik sa noo at 'good morning' mula sa kanya.

Nagagawa na rin namin ngayon ang mga bagay na madalas namin gawin bago ma-engage tulad nang kumain sa labas, mamasyal tuwing linggo, at kung ano-ano pa.

Tulad ngayon, linggo, kaya naman nasa labas kami. Ganito ang set-up namin simula nung gabing yun.

"Which movie do you prefer to watch, hon?"

I chose an action film instead of romance because I don't feel like watching one, not like Eron would enjoy it anyway.

"Let's sit in the corner na lang. Panget na ng mga available seats."

Nauna ako naglakad papuntang right side. We didn't expect the crowd. Maganda siguro ang movie dahil kahit hindi napuno lahat ng seats, marami talagang tumangkilik.

"Okay ka na ba talaga sa tubig? You can have some of my popcorns if you want." Pabulong na saad ni Eron.

"It's fine. Jumbo size naman binili ko for my fries, sure ako mabubusog din ako, and I prefer water. Thanks." Simple kong sagot. Hindi na rin siya nag abalang magpumilit dahil mag-uumpisa na rin ang pelikula.

Sarado na ang tindahan sa mall nang matapos movie. Wala naman na kaming ibang mapupuntahan dahil nga sarado na ang mga tindahan kaya lumabas na kami.

"Kain tayo. Just like the old days."

"Ha? May bukas pa ba ngayon?"

Tinignan niya ko nang may pagtataka na akala mo ba'y may nasabi akong hindi kapani-paniwala.

"Nakalimutan mo na ba?"

"Ha?" Naguguluhan ko siyang tinignan.

"Basta. Halika na!" Hinayaan ko siyang hilain ako papunta sa sasakyan namin. Akala ko sa isang restaurant niya ako dadalhin pero nasurpresa ako nang sa baywalk kami bumaba.

Maingay at medyo maliwanag mula sa mga kanya-kanyang ilaw ng mga nagtitinda ng iba't ibang street foods.

"Nay, magkano isa nito?" Turo nya sa tempura na bagong lagay lang sa kumukulong mantika sa kawali.

"5 pesos isa, iho."

"Sampu po niyan, Nay! Gusto mo ba ng buko juice?"

Tumango ako bilang sagot. Pinanood ko siya habang nakatayo lang ako sa gilid at hinihintay siya.

Bumabagabag pa rin sa akin yung ideya na baka nga niloloko niya ako. But, is it reslly possible that a man can cheat on you and can still make you feel like you're the only one?

Kasi kung oo ang sagot...wow, putang ina niya!

"Thanks."

Tinatamad akong umupo sa bench dito baywalk. Tumusok ako ng isa at inihipan bago isinubo. Sarap sana kung nasa mood lang sana ako.

"It's been a while. It feels nice to be back here." I observed his face. He doesn't look like he is bothered about anything. Kung titignan pa nga, para pa siyang nakawala mula sa stress.

His smile is so genuine. He looks so happy. For a second, I thought tama ba na nag-iisip ako ng masama sa kaniya? Kasi paano kung all this time, ako lang 'tong nag-isip ng hindi maganda about those pictures? Paano kung nag-overthink lang ako? Then that would be unfair to him.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Me FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon