s e v e n.

11 1 0
                                    

Ngayon ang unang araw ko sa unang tunay na trabaho. Halos hindi na ako nakatulog dahil sa excitement at kaba. Takot ako na baka hindi ko magawa ng tama yung trabaho ko. What if hindi ko maapply lahat ng naturo sa akin noon sa university or internship? What if lagi akong mapagalitan? Ang daming what ifs na pumapasok sa isip ko pero pilit ko pinapanatiling positibo ang isip sa posibleng mangyari.

I just have to do my best! That's it.

"This will be your table from now on, Ms. Fernandez." Tinuro niya ang table na malapit sa windor pero nasa gitna. I thanked her at nilagay na ang gamit doon at umupo. I was thinking of what I should do first nang marealize ko na hindi pa siya nagpapakilala.

"May I know your name?" May pag-iingat kong tanong sa kanya. Takot na baka ma-offend siya or magtaray kahit na mukha naman siyang mabait dahil ngumingiti naman siya. But, I'll never know! Mas mabuti ng sigurado.

"Oh, right! Tumawa pa ito nang ma-realized na hindi pa siya nakakapagpakilala. Pagpasok ko kasi kanina ay sinabi niya lang na sumunod sa kanya kaya di ko na naisipang itanong kung sino siya.

"I'm Jackielyn Gonzales but you can call me Jackie G." Sinundan niya yun ng kindat. Tumango na lang ako sa sinabi niya at tumawa ng konti. "I'm the marketing manager in finance and marketing dept. And you are...?"

Inabot ko ang nakalahad niyang kamay at nagpakilala, "Sandy Fernandez. But, you can call me Sandy."

"Nice to meet you, Sandy! Hope to work well with you."

Pagkatapos nang pagpapakilala ay itinuro na niya ang lahat ng mga dapat go gawin. Ang mga do's and don't's sa department ang sa whole company. Inilibot rin niya ako sa different floors and areas ng building at pagkatapos no'n ay bumalik na ulit kami sa department.

Kasalukuyan akong gumagawa ng report for the recent sales status ng company sa Philippines, sa Asia, and Worldwide. So bale, tatlong reports ang kailangan kong matapos before akong umuwi dahil kailangan daw 'to for the agenda first thing in the morning bukas. Swerte ko lang dahil, meron ng frist draft kaya kailangan ko na lang i-review at gumawa ng final report.

Nang sumapit ang lunch time sumabay na lang ako kay Jackie. Sabi niya dahil first day ko ngayon ay sa cafeteria muna kami kakain para sa experience. Sa itsura pa lang ng cafeteria, masasabi ko nang mukhang binigyan ng malaking budget ng kompanya. Mas nakompirma ko nang makita ko na ang mga menu.

Wow! Hindi naman halatang bigatin ang kompanya.

Nakapila ako ng tumunog ang cellphone ko na agad ko namang sinagot. "Hello, hon!" Bati ko kay Eron.

"Hi, hon! How's your first day?"

"Okay lang naman. Medyo marami nga lang kailangang habulin." Kumuha ako ng tray at tinuro ang mga gusto ko habang nakalagay sa kanang tenga ang cellphone.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto ni Eron at sa huli, sinabi lang niya sa akin na susunduin niya ako mamaya. Nakaupo na ako sa table nang matapos kami mag-usap ni Eron pero wala pa si Jackie kaya nag-scroll na lang muna ako sa socmed para hintayin si Jackie.

"'Yan lang ba ang kakainin mo?" Tinignan ko ang ang mga pagkain na nasa harapan ko. Salad, fruit mix, at tubig. Tinignan ko naman ang dalang mga pagkain ni Jackie na nakaupo na sa harap ko. Burger steak with egg and fries, rice, cheesecake, at pineapple juice.

"Ah, oo. Hindi kasi ako malakas kumain." Tumawa na lang ako at pareho na kami nag-umpisang kumain.

Halos mapatalon ako sa gulat nang may sumigaw sa pangalan ni Jackie. Tumingin ako sa likod at nakita ko ang isang lalaking naka-tuxedo na tumatakbo papunta sa pwesto namin. "Jackie G!"

Love Me FearlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon