one.

45 5 0
                                    

I drank the cold water in front of me and refilled it to drink again, hoping that the thirst and uncomfortable feeling I'm feeling right now would subside soon. I stared to the empty glass that are now covered with water droplets and fog due to the cold water.

I've been sitting here with Emily for almost an hour now while waiting for the food we ordered.

"Nag-away nanaman ba kayo?" Tanong ng aking kaibigan na si Emily habang nilalagay ng waiter ang mga pagkain sa lamesa namin.

Muli kong tinignan ang dahan-dahang pagbagsak ng mga butil ng tubig mula sa baso galing sa pagiging fog. I sighed again for the countless time as I remembered what happened.

Nagkatampuhan kami ni Eron dahil mayroon sana kaming date kahapon kaya lang hindi ko siya nasipot. Ang dami ko kasing inaral kahapon for my thesis at dahil sa sobrang pagod, nakatulog ako. It was not my intention though! Basta paggising ko na lang I was bombarded with his texts and missed calls.

Nabasa ko pa sa isa niyang texts na mukha na raw siyang tanga dahil ilang beses siyang binabalikan nung waiter para tanungin kung mag-oorder na siya pero pinapaalis niya lang dahil nga hinihintay niya akong dumating.

He waited for me for three hours sa place na kikitain sana namin. He tried to reach me out through texts and calls but he wasn't able to. Halos mamatay na ang baterya ng phone niya pero ni isa wala akong nasagot. He even went to my place to check on me if I was okay pero wala ring nagbubukas para sa kanya. He ended up going home instead.

Oo! Tulog mantika na kung tulog mantika. Pero hindi ko ginusto na mapagod ng sobra at lalong hindi ko ginusto na makatulugan ang date namin.

I feel guilty, okay! Pero anong magagawa ko kung nakatulog ako? I swear, it was not my intention to ditch him. Gusto ko rin naman siya makita 'no! Pipikit lang naman kasi sana ako para magpahinga ng ilang segundo. Pero pagdilat ko ulit, madaling araw na! Yung segundo naging ilang oras at ang simpleng pagpikit, ayun, naging isang mahimbing na tulog!

"Kasalanan ko rin naman." Malungkot na saad ko.

I have been trying to text and call him pero hindi niya sinasagot at minsan pinapatay pa niya. Gusto ko man siya puntahan 'di ko rin naman alam kung nasaan siya. Tinanong ko na rin yung mga kaibigan niya pero kahit sila ay walang ideya kung saan siya kasalukuyan. Alangan din naman puntahan ko siya 'e ang layo rin ng tinitirhan niya sa tinitirhan ko. Paano na lang kung wala siya, edi nagsayang ako ng pamasahe, diba?

"Hay nako! Kalimutan mo muna nga yan at kumain na lang tayo, for sure lilipas din naman yan." Malungkot man ay nginitian ko pa rin si Emily at nagsimulang kumain.

Siguro nga hihintayin ko na lang siyang tumawag.


Pagkatapos namin kumain ng lunch ni Emily ay umuwi lang kami agad. Sabado ngayon kaya wala siyang duty. Magkasama kaming dalawa sa iisang apartment. Hindi naman ganoon kasosyal ang apartment na nakuha namin pero sakto lang din naman para komportableng tirahan. Ka-uumpisa pa lang din kasi si Emily sa trabaho niya habang ako naman ay nag-aaral pa kaya wala rin kaming parehong ipambabayad sa mas mahal na apartment.

Dumiretso lang siya sa kwarto niya para siguro magpahinga at gano'n din ang ginawa ko. Pumasok ako ng kwarto ko at nagbihis ng pambahay bago humiga sa kama. I checked my phone if there's any text from him but to my disappointment walang kahit anong notification doon na galing sa kanya.

Gusto kong magtampo dahil sa hindi niya pamamansin but I know there's no one to be blamed here kung hindi ako. Kahit na hindi ko intention yun, it was still rude of me to ditch him like that and make him wait for three hours!

I tried calling him again but again, hindi niya pa rin sinagot. Ring lang nang ring pero hindi niya sinasagot. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa hindi niya pagsagot sa kahit anong text or tawag ko.

Love Me FearlessWhere stories live. Discover now