Chapter 26

368 21 7
                                    


                       CHALTER 26

Jhon Paul Levinson

Nang umalis sila ni Badeth ay na tahimik kami. Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko naman alam na gano'n pala.

"Gago ka insan ginalit mo. Kita mong badtrip 'yon kanina pa. Hindi mo ba na halata?" Sabi sa akin ni Sky.

"Alam ko naman e-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ulit si Sky.

"Alam mo naman pala! Mas lalo mo lang ginalit. Ayan tuloy nag walk out!" Pagalit na sabi ni Sky.

Hindi ko naman alam na galit na galit na pala siya. Nakukulitan ba siya sa akin? Masyado na ba akong makulit?

"Handa mo na sarili mo baka hindi kana pansinin no'n." Natatawang sabi ni Ace.

"Paul paparating si Trisiah." Sabi ni James kaya na pa tingin kami.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Badeth. Wala naman talagang nakakaiyak sa sinabi niya pero bakit siya umiyak nang tumayo siya?

Kung may gusto siya sa akin bakit hindi niya sabihin sa akin? Bakit kailangan niya pang lumapit kay Badeth at magtanong?

Hindi naman ako 'yong tipo ng lalaki na kapag may umamin binabalewala. Nirerespeto ko kapag may umamin sa akin.

"Hi Paul," bati sa akin ni Trisiah kasama ang kaniyang kaibigan na si Maye.

"Hello Trisiah." nakangiting sabi ko naman sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya ang sinabi kanina ni Badeth. Gusto kong sabihin niya sa akin ang totoo. Ayokong pag-isipan siya ng masama.

Baka nahihiya siyang sabihin sa akin ang totoo? Antayin ko nalang na siya mismo ang magsasabi sa akin. Hindi naman mahirap sabihin. Bakit parang ang hirap sa kanila?

Sabagay ako nga hindi ko masabi ang nararamdaman ko kay Badeth. Siya pa kaya? Na gusto ako.

"Pwede ba kaming sumabay sa inyo?" Tanong ni Trisiah.

"Yeah sure." sabi ko naman. Siniko naman ako ng pinsan ko kaya na pa tingin ako sa kaniya.

"Why?" Naka kunot noong sabi ko. Pinanlakihan niya lang ako ng mata.

Pinagpatuloy nalang namin ang pagkain kasama si Trisiah at si Maye. Gusto ko mang sundan si Badeth kanina kaso lang mukhang galit siya sa akin. Mamaya ko nalang siya kakausapin.

Ayokong kausapin siya kapag galit dahil mas nagagalit. Na pa buntong hinga nalang ako.

Kamain nalang kami kasama sina Trisiah at Maye.

"Paul may partner kana ba sa Halloween party?" Mayamaya tanong ni Trisiah.

"Meron na si Bernarditha." Deretso kong sagot. Kaya bakas sa kaniyang mukha ang lungkot.

"Okay," sabi niya sa mahinang boses.

Magkatapos naming kumain ay bumili muna kami ng Waffle with Hotdog para kay Badeth at sa kaniyang kaibigan. Bumili na rin kami ng Vitamilk. Hindi kasi nila naubos ang pagkain kanina dahil umalis kaagad sila. Nauna nang pumasok si Trisiah at Maye. Pagkatapos naming bumili ay pumasok na rin kami.

"We bought Waffle with Hotdog and Vitamilk para sa inyo." Sabi ko sabay bigay ng Waffle at Vitamilk kay Badeth. Binigay naman ng mga kaibigan ko para sa mga kaibigan ni Badeth.

"Thank you, sorry nga pala kanina. Sorry kung hindi ko napigilan sarili ko." Sabi ni Badeth sa 'kin habang naka tingin sa binigay kong pagkain. Umupo na muna ako bago ko siya kinausap.

"No, ako dapat ang mag-sorry. Sorry dahil makulit ako. Hindi na mauulit pero hindi ko maipangako." Sabi ko sa kaniya. Na pa nguso naman siya. Na pa ngiti tuloy ako.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now