Chapter 23

355 17 2
                                    


                      CHAPTER 23

Bernarditha Dela Cruz

Nang nakapagpaalam na sila Paul at ang pinsan niya ay ipinagpatuloy namin ang paglalaro.

Kanina ko pa napapansin na ang sama nang tingin ni Paul kay Zayn. Akala niya hindi ko na pansin. At nang pumasok na si Zayn kanina at bigla nalang na wala ang kaniyang mood.

Ano ba problema niya?

Nagseselos pa rin ba siya?

May galit ba siya kay Zayn?

Natawa nalang ako nang maisip na galit siya kay Zayn. Akala niya hindi ko siya kilala? Kilalang-kilala ko siya. Pero siguro may nagbago man sa kaniya na hindi ko alam.

Ano bang nakakagalit kay Zayn?

Ang bait naman ng tao tapos magagalit siya o magseselos?

7 PM na nang tinawag kami ni Mommy para maghapunan. Dahil dito matutulog ang mga kaibigan ko at si Zayn kaya nagluto si Mommy ng marami.

"Kain lang kayo kain, 'wag kayong mahiya kami lang 'to." Sabi ni Mommy kaya natawa kami. Kilala na rin ni Mommy si Zayn dahil pinsan na rin siyang nakakapunta dito no'ng high school palang kami.

"Kamusta kana pala Zayn?" Tanong ni Mommy.

"Okay lang po tita." Sagot naman ni Zayn.

"Daddy hindi po ba uuwi ngayon si kuya Paul?" Tanong ko kay daddy.

"Hindi, baka bukas pa Deth." Sabi ni daddy na nakangiti.

Hindi ko akalain na ganito ang makiramdam na may ama. Ang sarap lang sa pakiramdam. Pero ano kaya ang pakiramdam kung tunay na ama ang makakasama 'no?

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na kami na manood sa may sala. 

Dahil kakatapos lang namin kumain mamaya na namin makakain ang mga binili naming pagkain. Kaya nanood muna kami ng movie.

"Anong panonoorin natin? Horror? Comedy? Romance? Ano?" Tanoni ni Cris.

"Horror!" Sagot ni Rachelle.

"'Wag! Ayoko!" Angal ko agad kaya natawa sila.

"Wala ka paring pinagbago hahaha..."sabi ni Zayn na tumatawa.

Nagawa na rin namin ito noong high school pa lang kami. Nag-overnight naman kami kila Cris.

"Romance-comedy nalang!" Sabi ko.

Habang na nonood kami hindi namin mapigilan ang kilig at tawa. Kaya para kaming mga tanga na nanood. Nang hahampas pa si Cris habang tawa ng tawa kaya natutulak ako kay Zayn na katabi ko lang. Nasa iisang sofa lang kami na mahaba. Si Arrah naman ay nasa lapag umupo.

Buti nalang hindi kami naririnig sa taas. Tulog na siguro sila daddy at mommy. Si manang Rose naman ay gising pa dahil kausap niya ata ang kaniyang pamilya.

"Aray! Makahapas ka naman!" Sabi ko kay Cris na tawa ng tawa.

"Sorry Zayn ahh.." sabi ko dahil sa tuwing hinahampas ako ni Cris ay natutulak ako papunta kay Zayn.

"Okay lang Berns.."sabi ni Zayn na natatawa dahil sa kagagawan ni Cris.

Kumuha ako nang isang Patata na malaki at binuksan ito. Kumuha naman si Zayn at kumain. Minsan ay sinusubuan pa ako. Gano'n na talaga siya amin noon. Napaka-sweet niya sa amin at maalaga kaya naging crush ko talaga siya. Pero pagdating sa akin ay mas sumusobra siya sa pagiging sweet. Siguro tama nga si Cris na may gusto pa ata siya sa akin. Pero ako? Hanggang crush at kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kaniya.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now