Chapter 13

446 26 3
                                    

                    
                     CHAPTER 13

Bernarditha Dela Cruz

Nang makapasok ako ng bahay wala si Mommy sa sala. Tuwing umuuwi ako siya ang nagbubukas ng pinto, ngayon si manang Rose na ang katulong ni mommy dito sa bahay.

"Manang Rose na saan si Mommy?" Tanong ko kay manang Rose.

"Nasa kusina Deth nagluluto ng tanghalian." Sagot ni manang Rose.

"Ah ganon po ba," sabi ko nalang.
Nang makarating ako ng kusina ay nadatnan ko si Mommy nagluluto ng adobong manok dahil amoy na amoy ko ang bango nito.

"Ang bango naman niyan Mommy, ang sarap." Sabi ko kaya nagulat siya. Natawa nalang ako sa reaksyon niya.

"Andito kana pala anak." Sabi ni Mommy. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisgi.

"Na miss kita Mommy," sabi ko.

"Na miss ka rin ni Mommy anak ilang linggo ka hindi umuwi." Nagtatapong sabi ni Mommy. Kaya natawa ako.

"Andito na ako Mommy 'wag ka nang magtampo." Natatawang sabi ko sabay yakap habang niluluto niya ang Adobo.

"Oh siya magpahinga ka muna kakarating mo lang malayo rin ang byahe niyo" sabi ni Mommy.

"Isang oras lang naman Mommy, hindi naman traffic." Sabi ko.

"Kahit na, ikaw ang nagdrive kaya magpahinga ka muna mayamaya kakain na tayo." Sabi niya.

"Okay Mom, magpapahinga na" sumusukong sabi ko.

"Mommy si Tito pala na saan wala siyang work ngayon 'di ba?" Tanong ko. Kumuha ako ng tubig sa Ref at nagsalin sa baso. Nagulat ako nang may nakita akong chocolate na marami sa Ref.

"Nasa 'taas, bababa na rin 'yon." Sagot niya.

"Hmm.. okay," ang tanging na sabi ko. Gusto ko sanang itanong kung bakit ang daming chocolate sa Ref, pero na isip ko na baka si Tito amg bumili ng mga ito. Pero ang dami naman talaga parang galing pa sa ibang bansa.

"Mommy tulungan na kita, ako diyan." Sabi ko nang inayos niya na ang mga pinggan sa mesa. Kumuha ako ng baso,kutsara, at tinidor. Nang matapos kong ayusin ay nagtimpla ako ng Orange Juice. Nagtaka ako nang mapansin ko na apat ang plato. Baka kasabay nilang kumain si manang Rose. Sabi ko nalang sa isip ko.

Inilapag na ni Mommy ang mga ulam na niluto niya. May Adobong Manok, Pakbet, at ang paborito kong Hotdog at itlog. Napangiti nalang ako hindi talaga ako nakakalimutan ni Mommy.

"Thank you Mommy" masayang sabi ko sabay yakap sa kaniya.

"Thank you saan?" Nagtatakang tanong niya.

"Dahil hindi mo nakalimutan ang paborito kong ulam." Sabi ko.

"At bakit ko naman makakalimutan aber?" Sabi niya kaya natawa ako.

"I love you Mommy." Tanging na sabi ko na lamang.

"Sali naman ako." Biglang sabi ni tito kaya nagulat ako. Natawa tuloy si Mommy sa sinabi niya.Kanina pa ba siya? Nahihiya tuloy ako.

"Hi tito," sabi ko sabay lapit sa kaniya at niyakap ito.

"Andito na pala ang bunso." Natatawang sabi ni tito. Niyakap niya rin ako. Nagulat ako sa huling sinabi niya. Ngayon ko lang  narinig ang salitang iyon galing sa kaniya.

Sa loob ng apat na taon parang totoong anak ang turing ni Tito Manuel sa akin. Lahat ng gusto ko binibigay niya. Ni minsan ay hindi siya naging masama sa amin. Hindi katulad ng iba, kaya napakaswerte namin ni Mommy sa kaniya.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now