Chapter 18

389 24 1
                                    

                       CHAPTER 18

Bernarditha Dela Cruz

Nagising ako sa hampas ng unan kaya na pa balikwas ako.

"HAPPY HALLOWEEN!" sabay na sabay na bati ng mga kaibigan ko. Habang ako naman ay inaantok pa. Ang aga pa andito na agad 'tong mga 'to. Ganito ba talaga kapag magde-debut? Kailangan gigisingin ka ng umaga? O trip lang talaga nila ako?

"Thanks.. ang aga pa kainis kayo!" Reklamo ko sabay higa ulit.

"It's already 8 in the morning! Wake up! It's your birthday today! My gosh!" Sigaw sakin ni Cris. Ang ingay talaga ng babae na 'to.

"Hoy! Birthday girl tumayo kana diyan, ikaw lang ang magde-debut na hindi excited! Gaga ka gising na." Sabi naman ni Arrah. Nakahiga pa rin ako at naka pikit ang mga mata.

"Badeth hindi ka talaga tatayo diyan? Alam mo ba na nasa baba si Paul? Ayaw mo-" hindi na tapos ang sasabihin ni Rachelle dahil agad akong na pa upo sa gulat.

"What? Si Paul? Hindi nga?" Gulat na tanong ko. Nakatingin lang ako sa kanila na gulat din dahil sa akin. Mayamaya lang ay bigla silang nagtawanan.

"BWHAHAHAHA..." tawa nila. Aba lakas ng trip nitong mga 'to ah! Kaya sinamaan ko sila ng tingin. Tumigil sila sa kakatawa dahil sa tingin ko.

"Ito naman joke lang, tumayo ka na kasi mag-aayos ka pa. It's your birthday today kaya ano pa inaantay mo?" Sabi ni Arrah. Umupo naman sila sa kama ko.

"Yan kasi wattpad pa, ano puyat ka nuh? O may kalindaan kana naman online? Ikaw ahh..." sabi ni Cris na naka ngisi pa.

"Gago.. wala ghinost ko dahil may girlfriend na pala." Sabi ko naman kaya nagulat sila pero tumawa rin.

"Bwhahaha.... ghoster kana pala ngayon ahh.. pero buti nga sa kaniya." Sabi ni Rachelle.

"Lumabas na nga kayo, panira kayo ng umaga." Sabi ko kaya natawa nalang sila.

"HAPPY 18th Birthday Badeth!" Sabay sabay ulit nilang sabi kaya nagulat na naman ako, hinampas pa ako ng unan.

"Ano ba?! 'Wag nga kayong sumigaw nagugulat ako eh.." sabi ko habang sila tawa ng tawa lang.

"Kape pa more..bwhahaha..." sabi nila na tumatawa kaya natawa nalang din ako. Hindi naman ako nagkakape, malakas lang talaga boses nila.

"Alam niyo mas excited pa kayo ngayon kaysa sa akin. Kayo may birthday? Huh kayo?" Sabi ko sabay baba ng kama.

"Excited kami dahil makakainom na kami mamaya." Excited na sabi ni Arrah.

"Oo nga! Party party hooo.." sabi naman ni Cris na nakataas ang kamay sabay talon. Mga siraulo talaga. Napailing nalang ako na natatawa.

"Ewan sa inyo, sge na lumayas na kayo at ako'y maliligo pa." Sabi ko.

"Ito na lalayas na po madam." Sabi pa ni Arrah kaya natawa ako.

"HAPPY NEW YEAR!" Sigaw pa nila bago lumabas. Natawa nalang sa kabaliwan ng mga kaibigan ko.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng maong short at plain t-shirt na medyo malaki sa akin. Mamaya gabi pa naman ang birthday party ko.

Kinuha ko ang cellphone sa side table. Nang buksan ko maraming messages at notif galing sa facebook ko. Alam kong greeting ang mga 'to galing sa mga kaklase at kaibigan ko noon.

Tiningnan ko isa-isa kung sino-sino ang bumabati sa akin. Ni replayan ko muna isa-isa para mag thank you. Bigla akong napa tigil ng may isang message na galing kay Paul. Binuksan ko ito at nagulat ako ng saktong 12 AM ito na sent.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now