Chapter 21

422 30 0
                                    


                      CHAPTER 21

Bernarditha Dela Cruz

Nang makalabas kami ng Pantea shop ay hindi ko pinapansin si Paul. Hindi ko alam kung anong ang sasabihin ko no'ng sinabi niya na nagseselos siya kay Zayn.

Hindi naman ako galit dahil lang do'n sa hindi na agad sinabi sa 'kin. Alam ko naman na maiksi lang pasensya nun. Pero pagdating sa akin ay hinahabaan niya pasenya niya simula no'ng bata palang kami.

May kung anong saya akong naramdaman no'ng sinabi niya sa 'kin na nagseselos siya kay Zayn.

Wala namang ginawa si Zayn na ikakaselos niya e.

Baka isipin niya na galit ako dahil hindi ko siya pinapansin?

Hanggang sa makauwi kami ay hindi ko pa rin siya kinakausap.

6 PM na nang makarating kami sa apartment. Hinatid muna kami nila Paul bago sila umuwi sa Heaven Village.

"Grabe lalong gumaganda ang pangangatawan ni Zayn at ang pogi niya na lalo! Siguro nagtatrabaho siya do'n para maraming costumer ang bibili lalo na ang mga dalaga." Sabi ni Cris.

"Oo nga eh, crush ko na siya!" Kinikilig na sabi ni Rachelle. Natawa naman kami.

"May magseselos diyan ah." Pagpaparinig ni Arrah.

High school classmate namin si Zayn no'n. Parte rin siya sa amin no'n, palagi namin siyang kasama. May gusto siya sa akin, inamin niya no'ng malaman na may crush ako sa kaniya. Pero hanggang crush palang ako no'n.

May pagkatorpe pa naman 'yon. Mabait at masaya kasama si Zayn. Kaya ko siya naging crush dahil sa kaniyang personalidad.

"Sino kaya?" Patay malisya ko namang sabi. Kaya natawa sila.

"Nakita mo ba 'yong tingin sayo ni Zayn, Berns? Grabe! Halata pa ring may gusto sayo! Iba ka talaga choi!" Sabi ni Cris.

"Pinagsasabi mo? Hindi ko naman na pansin." Sabi ko kahit na alam ko.

"Paano 'di mo mapapansin eh, nakatingin ka lang kay Paul." Sabi ni Arrah kaya natawa kami.

"Hindi ah!" Depensya ko kaya ayun at natawa naman sila.

"Hindi nalang," sabi ni Rachelle.

Naligo muna kami bago kumain ng hapunan. Nagluto si Cris at Arrah nang makakain namin. Nagluto sila ng kanin, fried chicken, pritong talong. Walang hotdog at itlog dahil napag-usapan na namin na tuwing umaga at snack lang kami kakain ng Hotdog. At baka daw maapektuhan ang kalusugan namin. Kaya kahit na gustuhin namin kumain ng hotdog kailangan naming pigilan.

Pagkatapos namin kumain ay nag-aral muna kami para bukas handa kami sa surprise quiz.

Pagkatapos naming mag-study kuno. Ay na nood muna kami ng korean movie.

"Nga pala no'ng lumabas tayo ng Pantea shop kanina hindi pinapansin si Paul?" Biglang tanong ni Rachelle.
Na pansin pala nila 'yon?

"Wala naman," sabi ko. Ayoko munang sabihin sa kanila ang sinabi ni Paul kanina na nagseselos siya kay Zayn baka kung ano na naman ang isipin nila. Iba pa naman mag-isip 'tong mga 'to.

"At wala naman kaming pag-uusapan. Kailangan ba na pansinin ko siya oras-oras? Paano naman kayo?" Sabi ko kaya natawa sila.

"Na touch naman kami HaHaHa.." sabi ni Cris na tumatawa pa.

"Baliw!" Sabi ko naman.

8 PM na ng biglang tumunog ang cellphone ko. Binuksan ko ang messenger ko at tining kong sino ang nag-chat.

Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now