Prologue

2.9K 41 2
                                    

                      PROLOGUE

Isang babae pinanganak na hindi nakikita at nakilala ang kaniyang ama. Tanging ina niya lang ang kasama niya sa buhay.  May mga kapatid siya sa labas pero may kaniya kaniya na ring pamilya.

Siya ay isang responsableng anak.

Matalino...

Mabait...

Maganda...

May kaibigan siyang babae. Simula ng kinder hanggang grade two. Pero iniwan din siya ng nag-iisang kaibigan niya na babae noong nagtapos sila ng grade two.

Bago siya nito iniwan ng kaibigan niyang babae nakilala naman niya si Paul ang bago niyang kaibigan na lalaki. Naging magkatalik silang magkaibigan. Kilalang-kilala na nila ang isa't isa. Halos hindi mo sila mapaghiwalay. Simula grade two hanggang sa maka-graduate sila ng elementary magkaibigan pa rin sila.

Hanggang sa mismong araw ng graduation nila noong grade six nagpaalam ang kaniyang matalik na kaibigan na mag-aaral ito sa ibang bansa at doon mag-aral ng high school.

Ang tanong papayag kaya siya na iwan ulit  ng matalik niyang kaibigan? Kakayanin niya kaya?

Lalo ng may lihim na pagtingin ito sa kaniyang matalik na kaibigan. 

Paano kung sa loob ng ilang taon hindi ito magparamdam sa  kaniya?

Ano kaya ang mararamdaman niya?

Ano kaya ang gagawin niya kung magkikita ulit sila?

Paano kung magkita sila sa hindi inaasahang lugar at araw?

Handa kaya siyang makita at makausap uli ito?

Handa kaya siyang pakinggan ang mga dahilan kung bakit hindi ito nagparamdam sa loob ng ilang taon?

Paano kung may nalaman siya na ikakaguho ng kaniyang mundo? Kakayanin niya pa kaya ito?

Lalo na't may nararamdaman siya sa kaniyang kababata o matalik na kaibigan.

Sa loob ng ilang taon ay may mga bagong kaibigan siyang nakilala. Naging matalik niyang kaibigan ang mga ito.

Kahit alam niyang balang araw ay iiwan din siyang mga ito.

Dahil para sa kaniya walang permanente sa mundo.

Ang tanong iiwan kaya siya ng mga ito?

PRIME ANGEL UNIVERSITY

Isang kilalang university sa Pilipinas.

Paano kung sa unibersidad na ito magtagpo ang kanilang landas?

Ano kaya ang mangyayari sa kanilang pagkikita?

Handa na ba silang dalawa sa pagkikita nila?

Handa na ba silang magharap muli?

Handa na rin ba kayong malaman ang lahat ng mga katanongan?

Kung handa na sabay sabay nating abangan ang mangyayari.

ABANGAN...









Prime Angel University Series #1 Friendship Into RelationshipWhere stories live. Discover now