[10] Facing Karma - End

53 11 0
                                    

Part 4 - Facing Karma

Mabilis na lumipas ang araw, linggo at mga buwan. Hindi ko akalaing matapos ang araw na 'yon ay tatlong araw ko na lang nakasama si papa na humihinga at nakangiti sa harap ko. My darkest nightmare. Katulad ni mama ay iniwan na 'rin ako ni papa. Alam kong nandyan lagi sa tabi ko sina Katey at Clint para damayan ako pati na rin si Ian na hindi ko akalaing hindi aalis sa tabi ko sa panahong nagluluksa ako sa pagkawala ni papa pero iba pa rin kapag may totoo kang pamilya na karamay mo sa panahon ng madilim mong kalbaryo.

Napaupo na lang ako sa upuan naming gawa sa kawayan habang pinagmamasdan ang loob ng bahay. Hindi ako sanay na gan'to katahimik ang bahay. Nakaka-miss lang. Ilang buwan na ang lumipas mula nang mamatay si papa pero parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Pinigilan ko ang sarili kong umiyak pero wala pa rin akong nagawa dahil sa tuluyang pagbagsak ng traydor kong mga luha. Gusto kong tatagan ang loob ko pero hindi ko magawa. Ano na ang gagawin ko ngayon? Grabe! Ang lungkot-lungkot na ng buhay ko! Wala na nga akong pamilya, wala akong jowa! De joke!
Miss na miss kio na si papa.

Mabilis kong pinunasan ang basa kong mukha nang marinig ko ang ilang katok mula sa labas ng bahay ko. Agad ko 'yon binuksan at napakunot na lang ang noo ko nang makita ang nakasimangot na pagmumukha ni Ian. Dire-diretso siyang pumasok sa bahay at inilapag sa mesa ang dala niyang plastic na may lamang kung ano. Problema niya?

"Dapat tiningnan mo muna sa bintana kung sino ang kumakatok sa labas ng bahay mo. Hindi ''yong basta-basta mo na lang pagbubuksan ang kung sino man ang kumatok. Paano kong hindi pala ako 'yon?" sermon ni Ian sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako saka naupo ulit. "Don't worry. Walang magtatangkang pumasok dito sa bahay. Kung pagnanakaw ang pakay nila wala silang makukuha ritong kayamanan at kung pangpalipas naman ng libog ay hindi rin nila ako tatangkaing rape-in kaya chillax ka lang," mapakla ang tawang binitawan ko saka iniangat ang tingin sa kisame para pigilan ang luhang nagtatangka na namang bumuhos. Putik!

"Melody, I'm serious. 'Wag mong gawing biro ang kaligtasan mo lalo pa't mag-isa ka na lang nakatira rito,"

Muli akong napabuntong hininga saka inilipat ang tingin kay Ian na nakatayo malapit sa mesa. "Ian, hindi mo na ako kailangang bantayan. Hindi ka naman mumultuhin ni papa kapag pinabayaan mo ako. At isa pa, tapos na ang misyon mo. Pinapalaya na kita on behalf of papa,"

Nakita ko kung paano mas lalong sumama ang tingin sa akin ni Ian. Naku! Nahulog na ba ang loob niya sa akin kaya hindi niya ako maiwan-iwanan? Hahaha! Ang sarap talaga mangarap. Pucha!

Mas mabuti na 'to habang maaga pa ay layuan na ako ni Ian dahil kapag mas lalo pang lumalim ang attachment ko sa kanya ay baka mas umasa lang ako sa wala. Nakakapagod kayang umiyak! Tama na ang isang makabasag pusong pangyayari sa taon na ito.

"You're crying again," mahinahong saad ni Ian na ngayon ay naka-squat na pala sa harap ko.

"H-Hindi ah. Ha-haha," pagsisinungaling ko habang pinupunasan ang basa kong pisngi.

"Lying won't help you ease your pain, Melody. And it's obvious. Come here. Kumain ka na lang, may pinadala si mom na pagkain para sayo,"

"Naku mukhang gustong-gusto na ako ang mama. Paano ba 'yan?" Pang-aasar ko kay Ian habang itinataas-baba ang kilay ko. Kahit ang totoo ay alam kong naaawa lang sila sa lagay ko.

Napailing na lang si Ian saka niya ako hinila papunta sa mesa at pinaupo. Tingnan mo 'to! Pa-fall ang hinayupak.

Naubos ko lahat ng dinalang pagkain ni Ian. Tinakot kasi niya ako na kapag hindi ko raw 'yon naubos ay s'ya raw mismo ang magsasalpak sa bibig ko ng pagkain kasama ang mga kutsara, tinidor at plato. Ang gag* lang 'e.

"Sabi ng umuwi ka na!" pagtataboy ko sa kanya. "Anong oras na oh! Mamaya tatawag na naman sa akin si tita at tatanungin ako kung nasaan ka!"

"Dito na ako matutulog. Nakakatamad na umuwi. Mom will understand," sabi niya habang nakahiga sa dati n'yang pwesto.

"Ang ganda-ganda ng bahay mo tapos dito ka sa bulok kong bahay tatambay. Alis na kasi!" kinuha ko ang kamay niya at hinila siya pero dahil mas malaki at mas malakas siya kaysa sa akin ay hindi ko man lang nagawang maiusog ang katawan n'ya.

Napapadyak na lang ako sa inis. Akmang bibitawan ko na sana ang kamay n'ya nang hawakan niya ang kamay ko at hilahin nang malakas papunta sa kanya. Hindi ko naman inaasahan na gagawin n'ya yun kaya ang ending ay bumagsak ako sa ibabaw n'ya.

"Ano ba 'yan!" reklamo ko. Tumama kasi ang ilong ko sa dibdib n'ya kaya nasaktan ako. Aruy!

"You're bleeding!" tarantang saad ni Ian. Nang umupo siya ay napaupo na rin ako dahil sa ginawang pag-alalay niya sa katawan ko.

"Sinong may kasalanan?! Bwisit ka rin 'e!" inis na saad ko habang nakatingala at nakapikit para hindi ko makita ang dugo.

"Ako na," presenta niya saka pinupunasan ang dumudugo kong ilong gamit ang panyo n'ya habang hawak-hawak ang baba ko. "I'm sorry. Hindi ko talaga sinasadya,"

Napunta ang tingin ko sa mukha ni Ian na seryoso sa ginagawa n'ya. Ba't ba ang perpekto ng pagmumukha ng lalaking 'to?

"Ian. Ba't wala ka pang girlfriend? Ang gwapo-gwapo mo naman tapos may abs ka pa pero bakit hindi ka nagkakajowa? Bakla ka ba?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Ako bakla? Tss. Gusto mo lang sigurong halikan kita."

Ehh? Hindi naman pero kung gusto n'yang makipaglaplapan, why not, 'di ba?

"Hala s'ya! Ang feelingero mo naman! Nagtatanong lang 'e tsaka alam ko naman ayaw mo sa mga pangit. Allergic ka sa lahi namin, diba?" natatawang saad ko pero mabilis akong napalunok nang makita ang biglang pagseryoso ng mukha ni Ian.

Nakakatakot! Ano na naman bang problema niya?

"Who told you that?" seryosong tanong niya.

"Na ayaw mo sa pangit? Based from my observation. 'Di ba nga pinahiya mo nun ang bespren ko nung nagconfess s'ya sayo. Ang sarap mo ngang saksakin sa mga oras na 'yun e,"

"That was just an act," mahinang sabi nito.

"Acting lang 'yun?" gulat kong tanong sa kanya.

"Oo. Kaibigan ko si Clint at alam kong matagal na n'yang gusto si Katey simula pa lang nung mga bata kami. I just helped him get Katey's attention without him knowing. Sinadya ko ring magpabugbog sa kanya para naman mas mukhang kapani-paniwala but I ended up ruining our friendship. Hindi ko namalayang nasaktan ko na pala sila pareho. And lilinawin ko lang, hindi ako allergic sa pangit,"

Napanganga na lang ako dahil sa mga sinabi ni Ian. Seryoso? Hindi naman pala s'ya ''yong siraulo na nakilala ko. Namalayan ko na lang ang sarili kong niyakap s'ya. Parang nanlambot bigla ang puso ko para sa kanya.

"What are you doing?" takang tanong niya.

"Nilalandi ka. Since hindi ka naman pala allergic sa pangit ay may pag-asa na pala ang beauty ko sayo. Hahaha! Joke!" pagbawi ko. Jokes are half meant though. "Kasi naman na touch ako sa mga sinabi mo. Kung alam lang nila kung gaano ka kabait na kaibigan siguradong yayakapin ka rin nila," dagdag ko pa.

"Siguro ay karma ko na rin 'yon. Thanks anyway," sabi niya saka n'ya ginulo ang buhok ko. "Come here," saad niya saka muling pinunasan ang ilong ko. "Nga pala...I'm sorry,"

"Para saan?"

"When I told you to quit your course. Tama ka, wala nga akong alam sa pinagdadaanan mo but I'm willing to know everything about you just...just please don't drive me away," Nakikita ko sa mata niya kung gaano siya ka-sincere sa mga sinabi n'ya.

Sh*t! Nagwawala na naman ang puso ko.

Am I falling?T*ngina! Panagutan mo ako kasi pa-fall ka!

The End!

Love TrialWhere stories live. Discover now